Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila lady cop utas sa ambush

SINISIYASAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang kotse na tadtad ng tama ng bala, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang lady cop na si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD Sta. Cruz Police Station 3, Barbosa PCP, sa Claro M. Recto Ave. kanto ng Rizal Ave. sa Sta. Cruz, Maynila.                                                                           (BRIAN BILASANO/BONG SON)
SINISIYASAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang kotse na tadtad ng tama ng bala, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang lady cop na si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD Sta. Cruz Police Station 3, Barbosa PCP, sa Claro M. Recto Ave. kanto ng Rizal Ave. sa Sta. Cruz, Maynila.
(BRIAN BILASANO/BONG SON)

PATAY ang isang babaeng miyembro ng Manila Police District (MPD) makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang patungo sa kanyang duty sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ang biktimang si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD-Barbosa, at residente sa 1425 Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila, sakop ng Brgy. 314, Zone 31.

Ayon sa imbestigas-yon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 10:20 pm nang naganap ang pama-maril sa panulukan ng Rizal Avenue at C.M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Napag-alaman, habang minamaneho  ng biktima ang kanyang gray Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker na NP 9583, patungo sa kanyang trabaho sa MPD-PCP Barbosa, bigla si-yang dinikitan ng isang motorsiklo, at siya ay pinagbabaril ng hindi naki-lalang suspek.

Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …