Saturday , December 21 2024

Hitman sa Maynila utas sa enkwentro

AGAD binawian ng buhay ang hinihinalang “hitman” ng sindikato sa droga, kinilalang si Arvin Aquino y Dela Cruz, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni MPD PS7 Supt. Alex Daniel, sa Tondo, Maynila.  (BRIAN BILASANO)
AGAD binawian ng buhay ang hinihinalang “hitman” ng sindikato sa droga, kinilalang si Arvin Aquino y Dela Cruz, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni MPD PS7 Supt. Alex Daniel, sa Tondo, Maynila.
(BRIAN BILASANO)

PATAY ang isang hinihinalang ‘hitman’ ng sindikato ng ilegal na droga, sinasabing res-ponsable sa serye ng pagpatay, makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng MPD Station 7, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Arvin Aquino alyas Sundalo, at alyas Arbelboy Aquino, tinatayang 30-35-anyos, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng MPD-Homcide Section, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang grupo ng mga pulis, sa pangunguna nina Senior Inspectors Ness Vargas, at Jojo Salanguit, iniulat ng isang impormante na namataan ang suspek sa Old Antipolo St., sakop ng Brgy. 228.

Agad tinungo ng mga awtoridad ang nabanggit na lugar dakong 11:50 am kamakalawa, ngunit nakatunog ang suspek kaya nagtangkang tumakas.

Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang magkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Ang suspek ay responsable sa pagpatay kay Hasan Husen alyas Boy Muslim noong 9 Agosto 2016.

Itinuro rin siyang suspek sa pagpatay kay  Carmelita Flores noong 30 Agosto  2016, at kay Annabel Bautista noong 5 Oktubre 2016, na ikinasugat ng isa pang biktima na si Raquel Manonog.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *