Sunday , December 22 2024

Si ‘stone-faced’ ninong ni Stonefish sa binyag

00 Kalampag percyHINDI makapaniwala ang maraming supporters ni Pang. Rodrigo R. Duterte nang mapabalitang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang isa sa mga nag-ninong sa binyag ng apong si Stonefish (Marko Digong Duterte Carpio), bunsong anak nina Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio at asawa nitong si Atty. Maneses Carpio.

Sa dinami-rami nga naman ng respetado at marangal na maaaring pagpilian ay kung bakit si Erap pa na nahatulan sa kasong plunder o pandarambong ang nakursunadahan at napili na maging ninong o bilang ikalawang ama o magulang ni Baby Stonefish habambuhay.

Desmayado ang maraming supporters ni Pres. Digong at ng kanyang pamilya bunsod ng giyera na ipinangakong ilulunsad ng administrasyon laban sa talamak na katiwalian na inaasahang lilipol sa mga magnanakaw sa pamahalaan.

Dahil diyan ay nabahiran ng pagdududang hindi magtatagumpay at muli na namang mabibigo ang mamamayan sa matagal nang pinakaaasam na pagsugpo sa katiwalian na ugat ng pagkalugmok ng bansa at mamamayan sa kahirapan.

Paano nga naman lalabanan ang katiwalian kung ang kauna-unahang naging pangulo ng bansa na napatunayang nagsamantala matapos pabagsakin ng taongbayan sa kapangyarihan ay ‘di mapasusubaliang nangurakot sa salapi ng bayan ay napadikit na rin pati sa kasalukuyang administrasyon?

Kung ang apo ni Pres. Digong ay Stonefish ang palayaw, si Erap naman ay matatawag na ‘stone-faced’ dahil ‘singtigas na ng bato ang pagmumukha.

Maituturing na sampal kay dating Pang. FVR at iba pang kaalyado na sumuporta kay Pres. Digong noong kampanya, imbes sila ay mauuna pang makinabang si Erap na ang sinuportahang kandidato noong 2016 elections ay sina Mar Roxas, Jojo Binay at Grace Poe.

Matatandaang ininsulto pa ni Erap at tinawag na “walang finesse” o bastos at “pang-Davao lang” si Pres. Digong noong kampanya.

Ang iba pang maling desisyon ng kasalukuyang administrasyon ay binalewala lang ng supporters ni Pres. Digong, pero mahirap sikmurain ang pagpasok ni Erap sa kanyang paligid na salungat sa sentido-kumon.

Kaya hindi na tayo magtataka kung may mga unti-unting didistansiya sa paghanga at mababago ang paniniwala kay Pres. Digong.

Sabi ni Abraham Lincoln, “Stand with anybody that stands right. Stand with him while he is right and part with him when he goes wrong.”

BARANGAY ‘KUPITANA’
SA MAYNILA, LULONG
SA SUGAL AT CASINO

ISANG matandang hukluban na barangay chairman sa Maynila ang kabilang sa bumabalewala sa batas na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan na pumasok sa anomang uri ng pasugalan.

Hindi siniseryoso ni “Kupitana” si Pres. Digong na ilang ulit nang nagbabala na posibleng makasuhan at matanggal sa puwesto ang sinomang lalabag sa batas na nagbabawal sa sinomang empleyado at opisyal ng pamahalaan na mababalitaang nagsusugal o nagka-casino.

Napag-alaman na matagal na palang gumon sa pagsusugal si Kupitana, ayon sa ilan nating impormante.

Grabe raw ang pagkalulong sa sugal ng Bruhang Kupitana at palipat-lipat siya sa mga casino sa Metro Manila para magsugal at umiwas na may makakita sa kanya.

Pero walang lihim na hindi nabubunyag kaya bandang 5:30 ng hapon nang maispatan ng impormante ang bruhang Kupitana sa casino ng isang malaki at sikat na hotel sa Parañaque noong nakaraang Miyerkoles (March 15).

Bago umupo sa isang baccarat table malapit sa comfort room ay agad siyang naglabas at naglapag ng isang makapal na paldo na tig-P1,000 sa mesa at ipinalit ng chips sa dealer, habang sa gawing likuran niya ay nakatanghod ang kasamang alalay-bodyguard na lalaki.

Malaki agad ang itinaya ni Chairman Bruha dahil siya mismo ang pumipinta ng baraha at may palista-lista pa pagkatapos niyang tumingin-tingin sa regla.

Ang naturang Kupitan ng barangay ay nagpapatakbo ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila na pinagkakakitaan niya at ng mga opisyal sa City Hall at Manila Police District (MPD).

Kung sabagay, sa kita naman ng illegal terminal kinukuha ni Kupitana ang kanyang ipinangsusugal at sa perang hindi niya pinagpawisan.

Ang inaalala natin ay baka nababawasan ang obligasyong ‘tara’ ni Kupitana na dapat niyang ihatag sa Manila City Hall mula sa kita ng illegal terminal na isinusugal niya sa casino?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *