Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 arestado sa paggawa ng pekeng peso bills

IPINAKIKITA nina Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Director Maja Gratia Malic, at NBI Deputy Director  for Intelligence Service Atty. Sixto Burgos, ang mga pekeng P500 at P1,000 bills, iniimprenta ng mga suspek na sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo, naaresto sa bisa ng search warrant sa LRC Compound sa Sta. Cruz, Maynila.  (BONG SON)
IPINAKIKITA nina Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Director Maja Gratia Malic, at NBI Deputy Director for Intelligence Service Atty. Sixto Burgos, ang mga pekeng P500 at P1,000 bills, iniimprenta ng mga suspek na sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo, naaresto sa bisa ng search warrant sa LRC Compound sa Sta. Cruz, Maynila.
(BONG SON)

NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang tatlong suspek sa pagpapakalat ng pekeng pera sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat ng NBI kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo, nadakip sa entrapment operation sa LRC Compound sa Sta. Cruz.

Ayon sa ulat, sinalakay nang magkasanib na puwersa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at NBI-Counter Terrorism Division, ang bahay ni Ansus sa nasabing lugar, bitbit ang search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 50.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Revised Penal Code, Article 168 (illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit) at Article 176 (manufacture and possession of instruments or implements for false falsification).

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …