Monday , December 23 2024

Sinibak si Laviña hindi nag-resign

00 Kalampag percyKOMPIRMADONG sinibak sa puwesto ni Pres. Rodrigo R. Duterte (PRRD) ang kanyang dating campaign spokesperson na si Peter Laviña bilang hepe ng National Irrigation Administration (NIA).

Ito ay taliwas sa pagbabangong-puri ni Laviña na kusa raw siyang nagbitiw sa puwesto at para pasinungalingan ang nakarating na sumbong kay PRRD sa umano’y malimit na “palipad-hangin” nitosa mga may transaksiyon sa NIA na: “Kayo na ang bahala sa akin.”

Una pa lang na makapanayam natin siya sa radyo noong bago ang 2016 election ay wala na tayong tiwala sa kanya at dama agad natin ang matinding hangin ni Laviña.

Dapat nga talaga siyang masipa sa puwesto dahil ang sinungaling ay kapatid ni Erap, este ng magnanakaw.

Kasunod ng pagkakasipa kay Laviña, asahan na marami pang kasunod na masisibak at ayon kay PRRD:

“So in the coming days I’m going to fire additional people whom I have appointed in government. This is my warning to those in the government: Whether you are a director or CESO or civil service eligible, I’m telling you to stop it, at least for six years, while I’m still sitting in office. Corruption will stop and it will stop. I am telling you: I will put a stop to it.”

Isa sa mga natanggap nating reaksiyon mula kay Gina ng Maynila matapos ang pagsibak kay Laviña:

“Bobo ‘yan! Hindi nga binoto ng pamilya ng husband ko sa Davao, pangit ang ugali. Estudyante ‘yan ng mommy ng husband ko sa Davao. One time lang nanalong konsehal, ‘di na nakabalik sa puwesto, mayabang kasi.”

KILUSANG PAGBABAGO
NI SEC. JUN EVASCO
PINAIIMBESTIGAHAN

NANANAWAGAN din kay PRRD ang ilang concerned Pinoys at lider ng Filipino community sa Tokyo, Japan na paimbestigahan kung bakit nagagamit sa pamemera ang “Kilusang Pagbabago” na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Jun Evasco sa natanggap nating E-mail mula sa kanila:

“Imbestigahan n’yo iyong Kilusang Pagbabago. Merong crook dito na OFW, gustong kuwartahan ang mga Filipino para raw sa Kilusang Pagbabago. Ginagamit pa ang pangalan ni Mayor Digong. Ito ang assessment sa KP ni Evasco:

He is an opportunist stretching his limit as confidante of Pres. Duterte. When Duterte won out of the love of people for change, he claimed to be the father of this victory owing to his organizing strategy. Was there? He now enjoys being a secretary with overseer role to several departments.

Not contented, he is pushing grassroots organizing thru the oplan pagbabago using gov’t funds and organization. Fixation to the love of commy organizing concept. Plus the oplan masa masid, they were noticed by the gov’t itself. Now that they don’t have the mining where they get P17-M monthly from each mining firm, they may use the organization for solicitation.

I personally heard from an unaware person that he was approached by Evasco to talk to Bongbong Mercado para bumaliktad. Against who, I don’t know. You may not believe me but this Evasco brought Pres. Digong with the circle of the CPP in 2010 in one meeting.  Pres. Digong as politician was playing politics sincerely. Dante, his loyalty to the CPP, being a former CPP, is more than his loyalty with Pres. Digong. Digong as human as he is eying to mange him.”

PASSPORTING SA DFA
MAY FOREVER PALA

SI AJ Peng, isang OFW sa Oman, ay inirereklamo ang walang kamatayang problema sa pgkuha ng passport sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“My son needs to go to Vietnam sponsored by a Japanese firm in the Philippines for training. He could not go next month because DFA has set his appointment for April.

Hanggang ngayon po ba ganyan pa rin (and) procedure, a procedure which PNoy initiated? Meaning passports in the Philippines can be secured after several months. Layo naman yata sa system at sa advocacy ni PRRD.

Here in Oman, mga locals can have their national ID, passport, driver’s license and even visa renewal for expats for less than a day.”

MAY REKLAMO
SA CUSTOMS

HUMUHINGI naman ng tulong si Lyndon Sia ng Sibulan, Negros Oriental sa pitak na ito na maipaabot kay PRRD ang naging problema niya sa Bureau of Customs (BOC):

“Mr. President, meron po akong binili sa Hong Kong, ito po ay rail para po sa scope ng airsoft. Ang total price po ay nasa US$ 125.00 at ang Fedex Tracking No. 810432031903.

Sabi po ng Customs na si James Caringal, ang rail po ay part ng baril na restricted at kailangan ng permit to import. Gumana na naman po ang modus operandi ng mga Custom sa Pasay City.

Ang rail po ay hindi kasama sa restricted item as per R.A. 10591 at isa lang pong accessory. Ito po ang modus operandi ng ating Customs sa Pasay ‘pag sila po ay nag-raise ng funds sinasabi sa bumili na kailangan ng import permit at ipaiiwan sa bumili dahil sa Camp Crame ka pa pupunta.

Nandito po ako sa Dumaguete City, gagastos po ako, minimum ng P10,000, para lang sa P2,800 na halaga ng rail at mawawala na ito after 2-weeks.

Mr. President, pahingi po ng tulong. Maraming salamat po!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *