Saturday , December 21 2024

Humingi kayo ng tawad

UMAANGAL ang mga taga-Liberal Party na sila raw ay ginigipit ng administrasyong Duterte dahil sa kanilang paninindigan laban sa extrajudicial killing, sa kasalukuyan ay itinataya ng naging sanhi ng kamatayan nang mahigit sa 7,000 pinaghihinalaang sugapa o tulak ng bawal na gamot.

Ito ang dahilan kaya ngayon ay humihingi sila ng suporta sa mga mamamayan na panindigan na mali ang EJK, na hindi ito ang tamang tugon sa problema ng bayan kaugnay sa bawal na gamot, mataas na krimen at talamak na korupsiyon sa pamahalaan.

Gayonman ay tila malamig ang bayan sa kanilang panawagan sapagkat marami ang naniniwala na sila ang puno’t dulo kung bakit malaganap ang EJK at kung bakit hating-hati ngayon ang mga mamamayan kahit nahaharap tayo sa panganib nang pagbabalik ng diktadura.

Ang kakuparan ng nagdaang dilawang pamunuan na tugunan ang mga nagbabagang isyu ng panahon at ang kawalan ng pakikipag-kapwa tao sa sambayanan ng mga bumubuo ng administrasyong Benigno Simeon Aquino III ang puno’t dulo kung bakit nahalal ang isang reaksiyonaryo ngunit popular sa mga lumpen proletaryo na administrasyong Duterte.

Dangan kasi sino nga ba naman ang hindi masusuya sa halos kawalan ng aksiyon ni Aquino at kanyang mga alipores sa pinsala sa mga mamamayan dahil sa ilang bagyo na nagdaan, problema sa trapik, LRT at MRT, mataas na krimen, korupsiyon at ilegal na droga? Sino ang hindi mabubuwisit a isang pangulo na mas inuna pa ang mga dayuhang negosyante kaysa salubungin ang bangkay ng 44 pulis na minasaker sa Mamasapano at aruin ang kalooban ng kanilang mga naulila?

Bukod dito, isipin na sa loob ng anim na taon nilang panunungkulan ay walang makabuluhang repormang naipatupad ang mga dilawan tulad halimbawa ng Repormang Agraryo kaya hayon hanggang ngayon ang Hacienda Luisita ay pag-aari pa rin ng pamilya Aquino. Hindi rin nila naisabatas ang naipangako ni Aquino na Freedom on Information. Tapos ngayon aasa sila ng suportang bayan?

Magtika muna kayo at HUMINGI NG TAWAD sa inyong mga kapalpakan bago kayo humingi ng suporta. Huwag ninyong patotohanan ang matagal nang usap-usapan sa kanto na talagang makakapal ang mukha ninyo.

* * *

Pati sa mga high end malls o ‘yung malls na para sa mayayaman ay pinasok na rin ng mga tulak ng ipinagbabawal na gamot ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines website sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar.

Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *