PERO sabi naman ng isa naming kausap, hindi namin masasabing ang paniniwala sa kasabihang ”strike while the iron is hot” ay mali.
Isang magandang example, sabi niya ay si Kris Aquino. Mabilis na sumikat si Kris dahil naging presidente ang nanay niya. Nagpatuloy ang career sa mga panahong ang mga namamayaning politiko ay mga kakampi nila. Noong matapos na ang pagiging presidente ng kapatid niya, nawala na rin ang kanyang career. Wala na rin siyang TV show.
Sabi ng TV5, puwede nilang kunin si Kris pero hindi sa presyong karaniwan niyang hinihingi. Iyang network na iyan na kilala sa pagtataas ng presyo ng mga artista, suddenly hindi kaya ang talent fee ni Kris. Iyong PTV4, nagsabi ring wala silang interest dahil sa mataas ding talent fee. Palagay namin kung noong panahong presidente pa si PNoy, at inutusan ang PTV4 na bigyan ng programa si Kris, baka kahit na magkano ang talent fee, at sabihin mo mang limang oras na show iyon, ginawa nila.
Mukhang ABS-CBN lang talaga ang nagbigay sa kanya ng ganoong pagkakataon, siguro dahil na rin sa utang na loob. Isinara na iyang ABS-CBN, pero ibinalik sa kanila on a silver platter noong maging presidente si Cory Aquino, na nanay ni Kris. Ipinagamit din sa kanila ang mga karapatan niyon ng BBC, oBanahaw Broadcasting Company na na-sequester ng gobyerno.
Sa ngayon, ang nakikita naming pag-asa ni Kris ay kung magiging full-digital na nga ang telebisyon sa 2023. Maaari siyang magbukas ng isang digital channel para sa kanyang show, after all bumili na siya ng ilang equipment na magagamit. Mukhang malabo na siya sa ngayon.
HATAWAN – Ed de Leon