MISTULANG nabuking ng kampo ni Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sabwatan nina June Vincent Manuel Gaudan at Board Member Jessica Jane ‘Ikay’ Villanueva na nagsampa sa kanya ng kaso sa Ombudsman na sinabing nasa likod ang lady solon na si Josy Sy Limkaichong.
Unang nagsampa sa Ombudsman main office si Gaudan, Legislative Officer IV sa House of Representatives tauhan at kilalang malapit kay Limkaichong.
Si Limkaichong ay tumayong National Vice President ng Liberal Party of the Philippines habang si Degamo ay nasa partido ng NUP at kasaluku-yang PDP president ng Negros Island Region na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa naunang kaso na isinampa ni Gaudan, kinatigan ng Ombusdman at naglabas ng desisyon na guilty sa anti-graft and corrupt practices si Degamo kaya ipinasisibak sa pwesto.
Ngunit binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang nasabing desisyon ng Ombudsman at nakakakuha si Degamo, hindi lamang temporary restraining order (TRO) kung hindi permanent injunction, dahil nakita ng korte na wala siyang nilabag sa pagpapalabas ng Calamity Funds nang salantahin ng bagyong Sendong noong 2011 habang 2012 naman naganap ang 6.9 magnitude earthquake sa natruang lalawigan.
Napag-alaman noong 2013 ay magkakampi si Villanueva at Limkaichong na kapwa nasa Liberal Party sa paglaban kay Degamo ngunit nabigo ang dalawa nang talunin sa eleksiyon ng gobernardor at lamangan ang kongresista nang mahigit 45,000 boto.
Muli, nagsampa ng kaparehong kaso si Villa-nueva sa Ombudsman na tinanggap ni Paul Elmer Clemente, Deputy Ombudsman for Visayas.
Dahil dito, labis na ipi-nagtataka ng kampo ni Degamo kung bakit tinanggap ni Clemente ang kaso samantala katulad ito sa naunang isinampa ni Gaudan na ipinawalang-bisa ng CA.
Nakalilito rin ang paglalabas ng Ombudsman ng dalawang resolution na ang una ay convicted si Degamo sa graft and corruption at grave misconduct habang ang ikalawa ay nagpapawalang-sala sa kanya sa administrative charges.
Dahil dito, naniniwala ang kampo ni Degamo na ang ginawang pagsasampa sa kanya nina Gaudan at Villanueva ay politically motivated at hinihinalang ang nasa likod ay si Limkaichong na kanyang tinalo noong 2013.
Nitong 2016, tinambakan ng gobernardor ang pambato ng kongresista na nasa Liberal Party na si dating congressman George Arnaiz nang mahigit 110,000 boto.
Malinaw na ang mu-ling pagbuhay sa kaso laban kay Degamo ay sa kagustuhan ng mga kalaban sa politika na patalsikin siya sa puwesto dahil hindi nila kayang talunin ang gobernardor sa eleksiyon.
Sinasabing si Degamo ay paborito at malakas ang karisma sa masa kaya laging nananalo sa eleksiyon.
Habang si Gaudan ay pumutok ang pangalan nang masangkot sa kontrobersiya noong nag-aaral pa sa Siliman University.
Nabatid na pinamunuan ni Gaudan ang Siliman University Council Student Organization pero bumuo umano ng tinatawag na ‘mafia’ na ang ultimong layunin ay mapabilang ang kanyang fraternity sa top 10 at alisin ang mga organization na socio-civic at academic sa naturang unibersidad.
Si Gaudan rin umano ang nagmaniobra para ‘gibain’ ang kalaban nilang partido na “Ang Sandigan.”
Naniniwala ang kanilang mga kababayan na tila inuulit ni Gaudan ang ginawang pagmamaniobra sa pinagtapusang eskwelahan at umano’y nagpapagamit sa politiko, para maisulong ang kanyang pansariling interes.
Tahimik ang tanggapan ni Limkaichong sa alegasyon ng kampo ni Degamo.
ni Jethro Sinocruz