Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, inspirasyon si Mami-La

HINDI na talaga papipigil si Joshua Garcia. In-all-fairness ay nasubaybayan namin kung paano nag-umpisa si Joshua sa kanyang karera. Noon pa lang ay sinabihan na namin itong aariba rin sa tamang panahon dahil sa totoo lang, napakabait niyang tao.

Mararamdaman mo sa kanya ang sincerity dahil kahit saan mo makita ang binata ay siya pa mismo ang lalapit sa iyo para batiin ka at wala siyang pretensiyon at inhibisyon sa buhay.

Kamakailan ay nagbigay naman siya ng kakaibang atake sa kanyang role sa panghapong seryeng The Greatest Love na hindi naman siya nagpakabog sa kanyang mga kasabayang sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans, Andi Eigenman, at Sylvia Sanchez.

Joshua gave his best shot sa eksena nilang dalawa ni Sylvia na nagpaiyak sa marami.

“Mahal na mahal ko po ang trabaho ko. Gusto ko po talaga eh. Kaya po ginagalingan ko kasi nakahihiya naman po sa mga katrabaho mo kung hindi mo rin ipakita o ibigay ang galing mo.

“Si Mama La (Sylvia Sanchez ) siya ‘yung sobrang nagiging inspirasyon ko ngayon. Napakarami niyang payo sa akin, marami akong natutuhan sa kanya and thankful ako na sinabi niyang part na rin ako ng family nila.

“Sobrang nakatutuwa dahil kahit baguhan lang ako, naglalakihang artista na rin ang nakakatrabaho ko. Thankful lang ako talaga,” tugon pa ni Joshua sa isang interview sa kanya.

Making waves na nga ang binata kaya naman kami mismo ay pinayuhan  itong huwag patitinag sa kinang ng showbiz at mahalin ang mga taong nagbigay ng oportunidad sa kanya at respeto sa kapwa.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …