Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gary V., bukod-tanging Pinoy singer na nakakakanta ng Spain ni Al Jarraeu

ALAM n’yo bang sa pagkanta-kanta ng Spain ni Al Jarraeu at ni Lou Rawls sa TV at kung saan pa unang sumikat si Gary Valenciano?

Mahirap na kanta ‘yon. Nakatataranta. Nakapipilipit ng dila. Bukod kay Gary, ang Pinoy na nakakakanta lang niyon na napaka-impressive na pagbanat din ay si Ray-An Fuentes, na beterano nang performer noong panahon na ‘yon dahil galing na siya sa bandang Circus (na galing din ang tatay ni Rachel Alejandro na si Hajji Alejandro).

Ang walang sabit at walang paltos na pagkanta ni Gary ng Spain ang ebidensiyang magiging big star siya. Wala pang You Tube noong panahong ‘yon kaya malamang na wala kayong mahahanap sa Internet ng video ni Gary na bumabanat ng Spain.

Pero may bagong live performance si Gary ng Spain na nasa You Tube, specifically sa channel ng radio station na Wish 107.5 na kaka-upload lang noong January 28. At bibilib talaga kayo sa kanya dahil nakaupo lang siya noong banatan n’ya ang pagkahirap-hirap na kanta na ‘yon para sa Wish radio.

Kailangang nakaupo lang siya dahil ‘yun ang nakaugalian sa Wish 107.5 Bus na kumanta siya ng live ng Spain. Minus 1 lang ang nag-akompanya sa kanya.

Wala pa ring kupas si Mr. Pure Energy at Mr. Total Entertainer. Check it out on the Wish 107.5You Tube channel, guys. Don’just take my word for it.

Ang isa pang nadiskubre namin sa Wish 107.5 channel sa You Tube ay ang new look ni Marcelino Pomoy na, gaya ni Gary, ay taga-Kapamilya Network. Produkto siya ng isa sa singing contests ng network.

Hindi na nga siya mukhang ewan ngayon. Dahil bago na ang hair-do n’ya at mas may laman na ang katawan n’ya.

Kamangha-mangha rin n’yang binanatan ang pagkataas na kantang Power of Love ni Laura Branigan ng nakaupo lang din!

Ang mga talagang magaling lang kumanta ang nakakakanta ng walang sabit sa nota at ‘di kinakapos sa hininga at sa birit.

Magandang manood ng WishLive o WishCover sa You Tube dahil madalas hindi promo ang mga video roon para sa album ng guest performer.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …