Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No killings ikinagulat ng Senado

NAHIHIWAGAAN sina Senador Panfilo Lacson at Senadora Leila De Lima, dahil walang naitalang vigilante killings, at walang napatay ng riding-in-tandem sa buong magdamag, makaraan tanggalin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang “Oplan Tokhang” at buwagin ang anti-illegal drugs group sa PNP.

Nagulat si Lacson nang tanungin ng mga mamamahayag sa Senado kung ano ang reaksiyon niya dahil zero killings sa magdamag, makaraan ang pagpapatigil sa Oplan Tokhang.

Kinuwestiyon ni Lacson kung bakit kung kailan natigil ang Oplan Tokhang, natigil din ang vigilante killings.

Natawa pa si Lacson dahil tila magpapaliwanag ngayon ang PNP, kung bakit walang napatay sa magdamag, na dati-rati ay nagpapaliwanag ang PNP dahil sa rami ng mga namamatay sa magdamag na sangkot sa illegal drugs, at marami ang napapatay ng mga vigilante group.

Habang sa panig ni Senadora De Lima, sinabi niyang kung totoo na walang namatay sa loob ng 24 oras, makaraan ipatigil ng PNP Chief  ang Oplan Tokhang, isa aniya itong malakas na katibayan na iisa lamang ang gumagawa ng patayan gabi-gabi sa mga sangkot sa illegal drugs.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …