Thursday , December 19 2024

Pelikula ni Matteo, sinuportahan ni Bato

HINDI alam ni Matteo Guidicelli kung matatawa siya o hindi nang pagsabihan siyang magbalik-Islam ng mga kapatid nating Muslim na kasama niya sa pelikulang Across The Cresent Moon.

Mahinahon namang sinagot ng aktor ang mga kausap at sinabing gusto pa rin niyang manatiling Kristiyano na nirespeto naman ng mga kausap.

Sa interbyu sa aktor, nasabi nitong marami siyang natutuhan tungkol sa kaugalian ng mga Muslim habang ginagawa nito ang pelikula na ginampanan ang isang SAF agent.

Ayon sa aktor, tunay na Special Action Force ang mga kasama niya sa pelikula kaya tinatalakay dito ang kasalukuyang nangyayari sa gobyerno. Tinatalakay din sa pelikula ang ukol sa drugs, human trafficking, corruption, prostitution, cyber crime at iba pa. Kasama rin sa tinalakay ang tungkol sa relihiyon at ginagampanan niya rito ang isang Muslim na nakapangasawa ng isang Kristiyano.

“It’s about inter-religion, their conflicts, it’s about respect for one another and treating everybody equally because we are all Filipino,” pahayag nito.

May eksenang kinunan sa loob ng Mosque at ikinagulat ng aktor nang malamang maraming ritual ang ginagawa ng mga Muslim bago magsamba. “Iba sila, kailangan may cleansing of body bago mag-pray. They have to wash different parts of their body, mayroon silang tabo with water to wash their nose, mouth, back of their ears, forehead, hands, feet, lahat before they go to pray. They have to pray five times a day and they are very close to their God. And they still believe in Jesus Christ. Jesus daw is a Prophet to them. Basically, the whole thing is the same, one God and it’s all about peace.”

Ginanap ang premiere night ng pelikula noong Biyernes, January 20 sa isang mall sa Taguig City na dinaluhan ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sa mga hindi nakaaalam, dumalo si Bato sa premiere night dahil siya ang kinuhang consultant. Inamin ni Matteo na ilang beses silang nagkaroon ng meeting para pag-usapan ang mga totoong pangyayari sa ating gobyerno ngayon.

“May plano kasi na ipalabas ang movie sa international filmfest kaya dapat katotohanan ang kanilang mapanood. Ayaw namin na may masabi silang hindi maganda sa ating mga sundalo,” paglilinaw nito.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *