Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Neil, no comment sa break-up nila ni Bela

I heart you! Pa nga ba?

Parang may nahinuha ang mga manonood ng TWBA (Tonight with Boy Abunda) kamakailan nang usisain ni Kuya Boy Abunda ang puso ni Bela Padilla, na leading lady ngayon ni Zanjoe Marudo sa My Dear Heart na pinagbibidahan ni Nayomi ‘Heart’ Ramos.

Hindi kasi nakasagot agad si Bela sa naturang tanong. Nag-joke pa sa naging maliit niyang boses nang sabihin niyang okay naman siya.

Pero bago matapos ang tanungan, ang isang tanong ang gumulat din naman sa ibinigay nitong sagot. Sa tanong kung kailan siya huling nagsinungaling.

At tinukoy niya ang sagot tungkol sa kanyang puso.

Ganoon? Itinatapon na ba nila ni Neil Arce ang matagal at malalim na nilang relasyon?

Eh, ‘di sikapin nating usisain si Neil sa sinabi ni Bela sa kanyang pahayag.

Ang payak ng sagot ni Neil sa akin, huh!

“No comment po,” with smiley na may hehehe at sa mga sumunod ko pang tanong sa kanya, hahahaha na ang sagot.

So, spaces in their togetherness ba muna ang dalawa habang magpapaka-abala si Bela sa karakter niya sa My Dear Heart?

Aba! Sa presscon nila, ang dami na agad pumansin na kawangki o kahawig pala siya ng ex-girlfriend ni Zanjoe na si Bea Alonzo. At halos katunog pa ang pangalan.

Sige, quiet na lang muna ang mga puso nila ni Neil.

Malamang naman na sa isa’t isa pa rin sila magsasabi ng “I heart you!”

Bela finds the men na nakasama na niya sa trabaho na sina Zanjoe as sexy, mabait si Jericho (Rosales) at passionate si Coco (Martin).

Pero talbog daw silang lahat sa crush niyang si Ryan Gosling dahil sa lips nito.

Oh, la la la land!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …