Thursday , May 8 2025

Oplan Tokhang dapat tutukan ni Bato (Para ‘di maabuso) — Recto

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Ralph Recto kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na tutukan nang husto ang isinasagawang Oplan Tokhang upang hindi magamit ng scalawags, maabuso at mauwi sa oplan kidnap, lagay o ransom.

Sinabi ni Recto, dapat panagutin ni Dela Rosa ang mga pulis na mapapatunayang nang-aabuso sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Naniniwala si Recto, masisira ang tunay na motibo ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng Oplan Tokhang kung naaabuso at nagagamit sa masamang gawain.

Binigyang-linaw  ni Recto, suportado niya ang kampanya ng pamahalaan para maresolba ang problema sa ilegal na droga sa bansa ngunit dapat higit mabigyan nang proteksiyon hindi lamang ang mga karapatan ng sangkot dito kundi maging ang mga inosenteng sibilyan.

Magugunitang sa kabila nang pagmamalaki ng pamahalaan na matagumpay ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga ay mayroong mga nagreklamo ukol sa pang-aabuso sa mga inosenteng sibilyan.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *