Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis sa Tokhang for ransom sumuko sa NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pulis na sangkot sa pagkidnap sa isang Korean bussinessman sa Angeles City noong Oktubre.

Ayon kay Justice Sec.Vitaliano Aguirre, si  SPO3 Ricky Sta. Isabel ay sumuko sa NBI kahapon ng umaga .

Ito ay ilang araw bago maglabas ang PNP ng manhunt operation laban sa suspek makaraan dumulog sa NBI ang misis ng biktimang si Jee Ick Joo.

Kabilang si Sta. Isabel sa suspek na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagdukot sa biktima noong 18 Oktubre.

Si Sta. Isabel ay natukoy ng PNP Anti-Kidnapping Group, sa  security camera footage na isinakay ang biktima sa naghihintay na sasakyan.

Iniulat na nakita si Sta. Isabel sa survellaince video recording habang nagsasagawa ng serye ng withdrawals ATM account ni Jee.

Una rito, nag-alok ng P100,000 reward ang maybahay ni Jee na si Choi Kyung Jin, sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng kanyang asawa.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …