Monday , December 23 2024

Media idinepensa ni Drilon (Misreporting sa martial law?)

IPINAGTANGGOL ni Senate President Pro-tempore Franklin Drilon ang mga mamamahayag sa naging akusasyon ng Presidential Communication team ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa sinasabing “misreporting” ng media sa isyu ng martial law.

Iginiit ni Drilon, tama ang naging report ng mga mamamahayag sa naging mga pahayag ng pangulo kaugnay sa pagdedeklara ng martial law.

Sinabi ni Drilon, ang mga news report ay base sa mga naging pahayag ng pangulo.

Aniya, hindi dapat sisihin ng Palasyo ang mga mamamahayag sa pagkakasulat o pagbabalita na ibinase sa pahayag ni Pangulong Duterte.

Kasabay nito, pinayohan ni Drilon ang Malacañang na dapat mag-ingat sa pagbibitaw ng mga salita sa publiko na magdudulot ng pangamba sa taumbayan partikular sa ipinaiiral na demokrasya sa bansa.

Aniya hindi maitatago ang lumabas sa survey report  ng  Pulse Asia na 74 porsiyento ng mamamayang Filipino ang ayaw sa pag-dedeklara ng martial law kaya’t  dapat  iwasan ang ano mang pahayag na magdudulot  ng pangamba sa publiko.

(CYNTIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *