Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Payo ng Pari sa pagbanat ng Superstar sa Katoliko — Ipagdasal si Nora Aunor

MAY nagpadala sa amin ng e-mail na nagsasabing si Nora Aunor pala ay humingi ng dispensa sa Iglesia ni Cristo, dahil marami sa mga miyembro niyon ay na-offend, nang sa isang pagtitipon ng grupong Ang Dating Daan ay tinawag niya iyong Iglesia ni Manalo. Iyong feeling namin, hindi lang iyong pagtawag niyang Iglesia ni Manalo ang naka-offend doon kundi iyong sinabi niyang mga maling practice na hindi niya nagustuhan nang minsang isinama siya sa pagsamba.

Binanatan nang husto ng mga kasapi ng Iglesia si Nora, kabilang na ang isang napakatinding salita na ”walang kumalaban sa Iglesia na nagtagumpay”. Kaya siguro humingi ng dispensa agad si Aunor.

Pero sabi ng nagpadala ng e-mail, bakit daw hindi nag-react ang mga Katoliko, samantalang binatikos din ni Nora ang pananampalatayang Katoliko at ang mga pari?

Ang sagot po ay simple lang. Hindi pinansin ng mga Katoliko ang mga sinabi ni Nora. Una, siguro noong mga panahong iyon ang mga Katoliko ay busy sa panonood ng prusisyon ng Nazareno sa Quiapo. Eh iyong prusisyon palabas sa halos lahat ng mga TV channel. Iyon namang sinabi ni Nora, lumabas lang sa UNTV 37. Isa pa, siguro nga sanay na kasi ang karamihan sa mga comment na ganyan ni Nora.

Ano rin ang sinabi niya laban sa ABS-CBN at kay Charo Santos noon? Ano ang sinabi niya nang umalis siya sa Channel 5? Siguro nga naisip din naman niya na hindi naman siya sinusuportahan ng mga Katoliko kaya ganoon ang nasabi niya. Isa pa, bakit mo naman papansinin pa? Iyong simbahang Katoliko ay nasa Pilipinas na sa loob ng mahigit na 450 taon. Eh si Nora nga wala na ngayon eh.

Kung siguro isang malaking personality iyan na kagaya ni Presidente Digong, o sino mang pinaniniwalaan ng mamamayang Filipino, baka sakaling mag-react pa ang simbahan. Pero kung si Nora naman bakit pa?

Sabi nga ng isang paring kaibigan namin, huwag na kayong mag-react. Ipagdasal na lang si Aunor, na sana’y bumuti ang kanyang buhay at magtagumpay naman siya sa kanyang mithiin. Hindi ganyang tingnan nga ninyo, wala nang nanood ng kanyang pelikula kaya pinakakulelat sa festival, wala pa siyang nakuhang award kahit na isa. Hindi rin siya binigyan ng ratings man lang ng CEB.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …