Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tamang desisyon ang muling pag-aasawa ni Camille

MATAGAL na naming inaasahan iyan, pero noong isang araw, natuloy na ang muling pagpapakasal ni Camille Prats sa kanyang matagal ng manliligaw, na si John Yambao.

Marami rin naman ang natuwa sa nangyaring iyan. Alam naman nila ang naging buhay ni Camille. Na-in love siya at nagpakasal sa naging boyfriend niya noong si Anthony Linsangan, pero makalipas lamang ang mga tatlong taon, namatay si Anthony at naiwan si Camille na may isang anak na lalaki.

Kaya namang buhayin ni Camille ang kanyang anak. Hindi naman nawawala ang kanyang show sa GMA NewsTV. May drama pa rin naman siyang nagagawa hanggang sa ngayon pero may isang bagay na kulang hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa kanyang anak. Kailangan niya ng katuwang sa buhay at sa pagpapalaki rin ng kanyang anak na lalaki.

Kaya sinasabi nga nila, tamang desisyon iyang muling pag-aasawa ni Camille. Marahil maging ang pamilya rin naman ng kanyang yumaong asawa ay magsasabi ng ganoon.

Kung sabihin noong araw, ”walang ikalawang glorya”. Ibig sabihin mahirap nang makatagpo ang isang babae ng panibagong kaligayahan kung mawawala na ang kanyang asawa. Pero iyan ay isang matandang paniniwala na. Marami naman tayong nakikitang mas gumaganda ang buhay kung sila ay nag-asawang muli. At sana nga ganoon din ang mangyari kay Camille.

Siguro nga lang, ang ibig sabihin niyan ay may pamilyang muling aasikasuhin si Camille. Posibleng mas marami na rin siyang intindihin dahil tiyak namang magkakaroon siya ng iba pang mga anak, at nangangahulugan iyon ng pagbabawas naman niya ng oras para sa kanyang career. Pero iyang showbiz career, hindi naman talaga iyan forever, kaya mas dapat pagbuhusan niya ng panahon ang pamilya na makakasama niya habambuhay.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …