NAKATUTUWANG isipin na ang apat na bida sa The Greatest Love na sinaDimples Romana, Matt Evans, Andi Eigenman, at Aaron Villaflor ay ayaw din patalbog sa galing ng kanilang ina-inahang si Sylvia Sanchez.
Sa bawat eksena nila sa seryeng handog ng Star Creatives na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold, hindi namin maiwasang purihin ang apat dahil kitang-kita naman talaga ang dedikasyon nila sa kanilang trabaho bilang mga aktor.
Gusto namin ang simpleng gay role ni Matt sa serye na cool lang ang dating lalo na kapag may mga dumarating na problema sa kanilang pamilya. ‘Yung karakter naman ni Aaron na barumbado at pasaway na anak ay bagay sa. ‘Yung lalim naman ng hugot ni Andi kapag gumalaw ang mga mata ay bagsak na ang emosyon, at ang de-kalibreng dating ni Dimples na super intense kapag umariba.
Well, kailangan lang nilang galingan dahil itataob sila ni Sylvia noh! ‘Yun na!
REALITY BITES – Dominic Rea