NGAYON palang ay inaabangan na ang pelikulang ginagawa nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kaabang-abang din ang teleserye nilang La Luna Sangre na hahataw sa primetime this year.
In fairness, hindi lang ang pelikula ng KathNiel ang inaabangan kundi pati ang pelikulang ginawa nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Kakaiba ang pelikulang ito ng LizQuen na sinasabing kakaibang klaseng kilig ang mapapanood.
Hindi lang naggagandahang pelikula ang aabangan natin sa Star Cinema this year na pagbibidahan ng mga pinakasikat na loveteams kundi naglalakihang teleserye rin. Nariyan ang teleseryeng A Love To Last nina Bea Alonzo at Ian Veneracion, WildFlower ni Maja Salvador, My Heart nina Zanjoe Zarudo at Bela Padilla at marami pang iba.
Naku! Mas lalong bongga ang taong 2017 sa Kapamilya Network!!!
REALITY BITES – Dominic Rea