Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Hudas si Sec. Bello

HINDI lang traydor kundi maituturing na isang makapili itong si Labor Sec. Silvestre Bello III.  Sa halip kasing kampihan niya ang mga manggagawa, ipinagpalit niya sa mga negosyante.

Umuusok ngayon sa galit ang mga manggagawa dahil sa ginawang pagpapalabas ni Bello ng Department Order 168 na maituturing na isang uri ng pagsasamantala sa mga obrero dahil sa ginawa niyang pagpapalakas pa sa contractualization sa Filipinas na matagal nang isinusuka ng labor sector.

Sa halip kasing buwagin, sa ilalim ng DO 168, lalo pa niyang pinalakas ang pananatili ng contractualization.  Pinapayagan sa ilalim ng DO 168 ang lahat ng service provider o agency na kumuha ng mga empleyado imbes dumiretso sa principal employer.

Ang ibig lang sabihin, hindi magagawa ng isang manggagawa na dumiretsong mag-aplay sa isang malaking establisyemento dahil kaila-ngang dumaan ang isang aplikante sa ahensiya na siyang tatanggap sa kanya bilang empleyado.

Sa ganitong iskema, lalong pinaliliit ng DO 168 ang karapatan ng mga manggawa sa usapin ng employer-employee relationship. Iba pa rin kung direktang nakikipag-usap sa principal na employer kompara sa mga ahensiya na nag-empleyo sa isang manggagawa.

At kung talagang matino ang isang negos-yante, bakit padadaanin pa niya ang pagkuha ng mga empleyado sa pamamagitan ng agency? Umiiwas ba siya sa mga benepisyong maaari niyang ibigay sakaling maregular na ang isang manggagawa?

Takot ba siyang magkaroon ng unyon ang kanyang mga manggagawa?  Nakapagtataka kung bakit padadaanin pa sa service provider o agency kung kaya naman niyang ibigay ang dapat na mapunta sa mga manggagawa.

Dahil sa DO 168, dito makikita kung paano ipinagbili ni Bello ang mga manggagawa. Parang hudas na ipinagkanulo niya ang mga obrero kapalit sa interes ng mga negosyante.

Ito ba ang win-win solution na sinasabi ni Bello na kung tutuusin ay pabor na pabor sa mga negosyante? Meron pa kayang natitirang kahihiyan itong si Bello?

At nasaan na ang mga sinabi ni Bello na kanyang bubuwagin ang contractualization? Sinungaling!

Kung inaakala ni Bello na ang kanyang pagtatraydor sa mga manggagawa ay mapalalagpas, nagkakamali siya dahil nakakasa na ang sunod-sunod na kilos-protesta para mapatalsik siya sa kanyang puwesto.

SIPATMat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *