Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Merry ang Christmas ni Cabuyao Mayor Rommel “Mel” Gecolea!? (How about his constituents?)

MUKHANG maaga raw nakaramdam ng Christmas spirit si City of Cabuyao Mayor Rommel “Mel” Gecolea.

Kaya maaga rin siyang namigay ng pamasko sa mga senior citizen.

Ang ipinamigay niya sa senior citizens, dalawang kilong bigas with tatlong itlog na pula.

E ‘di wow!

Kamatis na lang ang bibilhin ng mga senior citizen para makompleto ang “meal” nila.

Baka akala ninyo, senior citizens lang ang pinagkalooban ng pamasko ni Mayor Mel.

Namahagi rin siya para sa mga empleyado ng city hall. Dalawang kilong longanisa galing naman sa livelihood project.

Aba, very resourceful pala si Mayor Mel.

Kung sabagay hindi talaga matatawaran ang pagiging resourceful ni Mayor Mel lalo na kung totoo ang nakarating na info sa inyong lingkod…

121316-cabuyao-laguna

Totoo ba Mayor Mel na pag-upong pag-upo ninyo sa City Hall ng Cabuyao ‘e may kumita agad ng P9 milyones? ‘Yan daw ay dahil sa conversion ng agricultural land na ginawang commercial?

Wattafak!?

Sapak na sapak ang kitaan sa ganyang deal, ‘di ba Mayor Mel?

Mukhang mabilis mag-isip ang isang ‘yan, Yorme?! Mantakin ninyong tila naunahan niya ang direktibe ng Pangulo na ipatigil ang land conversion dahil mga oligarch lang ang nakikinabang diyan.

Kaya pag-upong pag-upo ay naaprubahan agad ang conversion?

Mayor Mel, paimbestigahan mo nga kung totoo rin ba na pagkatapos raw makipag-meeting at makipagkita sa kinatawan ng P.A. Alvarez Developer ang isang bright boy diyan sa city hall ‘e naghiwalay silang abot-tenga ang ngisi, bitbit ang isang malaking brown envelope?!

Ano kaya ang laman ng malaking brown envelope at napakahaba ng ngisi niyan, Yorme?

By the way, saan ka ba talaga residente Mayor Mel, sa Cabuyao City o sa Ayala Alabang?

Aba, kung ikaw ay residente ng Ayala Alabang, bukod sa meri krismas ‘e tiyak na paldo rin siguro ang iyong bagong taon?

‘E ang mahal ng haybol diyan sa Ayala Alabang, di ba Mayor?

Anyway, sabi ng constituents ninyo ay dagdagan naman ninyo ang pamaskong handog ninyo sa mga senior citizen na dalawang kilong bigas at tatlong pirasong itlog na pula at  dalawang kilong longganisa na walang suka mula sa livelihood project para sa mga empleyado ng city hall.

Huwag ka raw manguripot, Mayor Mel!

Hak hak hak!

MPD DEMORALIZED
SA ‘DELIHENSIYA GROUP’

KA JERRY, sa pamamagitan ng pitak n’yo ay gusto namin ipaabot kay RD Abayalde at DD Coronel na desmayado kami dahil nabuhay na naman ang delihensiya group sa MPD HQ. Kahit may bad record ay binibigyan ng puwesto. Hndi yata alam ni DD Coronel, nang sila ang bumibida sa MPD HQ ay naging talamak ang sugal at droga sa Maynila. Walang change is coming! Concerned MPD personnel.

+63918831 – – – –

EDSA TRAFFIC
HOPELESS NA BA?

SIR JERRY, ang tatalino ng mga opisyal sa MMDA, DOTr  pero ang prehuwisyong trapik ay hndi nila kayang iresolba. Mas malala pa nga ang trapik ngayon kaysa panahon Pnoy. Puro cla daldal at emergency power gusto. Ano ba ang inaasikaso nila? Bulsa nila?

+639165579 – – – –

NAGHIHINTAY PA RIN
NG X’MAS BONUS

SIR, wala pa rin X’mas bonus namin, Dec. 5 na. Ano ang dahilan at hndi maibigay ng MIAA ‘e may pondo naman ‘yan. Last x’mas party naghintay ang mga tao pero umuwi lahat luhaan. Sana maipaliwanag ng MIAA finance bakit nade-delay at kalahati pa lang ang 13th month pay naming airport workers.

+63915494 – – – –

MTPB CHIEF NAKIKINABANG
SA LAWTON ILLEGAL TERMINAL?

KA JERRY, halatang-halata na malaki ang parating ng Lawton illegal terminal sa MTPB kaya hndi nila mapaalis. Bakit hindi nila gawing legal na lang ‘yan at ipasok sa kaban ng city hall ang koleksiyon diyan? Kita ninyo tahimik si Alcoreza kapag Lawton illegal terminal ang issue.

+639278188 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *