Sunday , December 22 2024

Pergalan at Sakla

MAGPAPASKO na kaya talamak na naman ang ‘pergalan, na mula sa mga salitang perya at sugalan.

Hinihingi ang permiso nito sa kinauukulan para makapagbukas ng peryahan ngunit walang rides o wholesome entertainment. Bawal na sugal lang na “color games” at “drop ball” ang handog nito pero dinudumog pati ng kabataan. Nagsisilbing front lamang ang peryahan.

Ang perya ay maliit na karnabal na tradisyonal na libangan ng mga Filipino, lalo na noong wala pa ang naglalakihang entertainment centers na Star City at Boom na Boom sa Pasay City.

Kadalasan itong nakikita kung may piyesta sa isang bayan o malapit na ang Pasko. May rides dito katulad ng Ferris Wheel at Horror Train, at mayroon din binggo.

Dahil may kaukulang permit para mag-operate mula sa munisipyo o siyudad at nakabayad ng amusement tax sa gobyerno, may insurance ang rides dito.

Ang perya ay nagiging bawal kung hahaluan ng mga sugal kaya itinuturing na pergalan. Dahil ilegal at malaki ang kinikita ay may lingguhang lagay rin na ibinibigay ang may-ari nito sa iba’t ibang sangay ng pulisya.

Ang sakla naman ay bawal na sugal na gamit ay Spanish cards at hindi ang mga baraha na ginagamit sa larong solitaryo. Ang nagpapatakbo nito ay lingguhan din kinokotongan ng corrupt na mga pulis.

Nakararating sa Firing Line ang mga lugar na may ilegal na sugalan at pati ang mga nagpapatakbo nito.

May sugalan din malapit sa PCP sa Ilaya sa Divisoria, na hindi kalayuan sa simbahan. Nagbubukas ito sa gabi kapag sarado na ang simbahan.

Tinatawagan natin ng pansin sina Superintendent Santiago Pacual III, Manila Police District Station 3 chief, at Superintendent Arnold Thomas Ibay, MPD Station 2 chief. Paki-aksiyonan po ang mga sugalang ito.

Malakas umano kay Mayor Erap Estrada ang nasabing gambling operator.

Namamayagpag din ang “Saklang Patay” na ang financier ay si JM. Si Zaldy Rivera ang nagpapatakbo ng sakla at kolektor umano ng mga pulis sa pirated DVDs. Nagpapatakbo rin ng saklaan si Jun Pulo at kolektor daw ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District.

May tatlong saklaan sa Baesa, Quezon City na sakop ng QCPD Station 3 na ang hepe ay si Superintendent Danilo Mendoza. Aksiyon naman po.

Nananawagan din tayo kay Senior Superintendent Guillermo Eleazar, QCPD director. Paki-aksiyonan po ito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *