Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tori Garcia, may future sa showbiz

HAVEY ang bagong alaga ng kaibigang Throy Catan na si Tori Garcia na ang unang exposure ay sa Wowowin. Dahil  dito napansin na siya ng mga producer at director. Katatapos lang gawin ni Tori ang pelikulang Kamandag ng Droga ni Direk Carlo J. Caparas.

“I’m happy and blessed po at siyempre andoon po ‘yung malaking kaba kasi po ang nakasama ko ay ang nirerespeto at mahusay na director gaya ni Direk Carlo. Sobrang lucky po ako kasi napasama po ako sa isang malaki at power cast na pelikula,” deklara niya.

Gaganap siyang girlfriend ni Nino Muhlach sa movie na napasok sa malaking sindikato ng drugs. Naloka raw si Onin dahil matangkad ang leading lady niya sa movie.

Kumusta naman si Nino na katrabaho?

“Mabait po at gentleman naman,” sambit niya sabay tawa.

Ratsada na si Tori dahil kasama rin siya sa Cinemalaya 2017 entry na  Ang Gurong di Marunong Magbasa na pagbibidahan ng actor-politician na si Alfred Vargas.

Nagkaroon siya ng birthday post concert kagabi sa Music Box, Timog entitled Lets Celebrate: December Fever! with frontliner Erika Mae Salas, Pauline Cueto, Sarah Ortega, Lara Lisondra. Special guests naman sina Martin Escudero (award winning actor), L.A Santos (Star Music artist), Mavi Lozano (Spogify grand winner—Eat Bulaga). Together with Rina Sy. Produced by TJC Entertainment Productions and TEAM (The Entertainment Arts & Media).

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …