Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobay, nailabas na ng ICU at nakakikilala na

HINDI na kami nagulat sa kalagayan ni Boobay na nakakakilala pero hindi matandaan ang pangalan ng mga kaibigan. Ganyan din ang nangyari sa isa naming friend na na-stroke pero unti-unting nakaka-recover na ngayon.

Tinamaan ng acute stroke si Boobay na nasa St. Luke’s Global na ngayon. Nakalabas na raw sa ICU si Boobay. Kamakailan ay dinalaw siya ni Allan K.  Si A.K. ang nagbigay ng break kay Boobay sa Zirkoh at Klownz Comedy bars.

“Okay na siya. ‘Yung stroke niya, parang dito, may tinamaan sa bandang brain niya. Hindi aneurysm. Parang naubusan ng something. Basta may isang injection siya na P75,000 pandagdag sa neurons,” kuwento ni A.K..

“Pagdating ko, sabi niya, ‘Oww!’ Mahilig siya sa ganoon. Nagbago ang hitsura. Kilala ka niya. Makikilala ka niya. Pero hindi niya kayang sabihin ang pangalan mo. Pero alam niya kaibigan ka niya. May- retention sa kanya ‘yon. Sabi ko sa kanya, ‘Kilala mo ako?’ Nag-joke pa eh. ‘Ikaw ang tunay kong ama!’ Ha! Ha! Ha!

“Tawa kami ng tawa. ‘Ano ang pangalan ko?’ Sabi niya kay RJ (personal assistant ni Allan) at Ken, partner niya, ‘Ano? Ano?’ Parang gusto niyang baguhin ang usapan. Hindi niya masabi. Sabi ng nurse, ‘Ano ‘yan, Sir.Kunwari, ito, ballpen. Alam niya ang purpose niyan, pagsulat. Hindi niya alam ang tawag diyan,” sey pa ni Allan.

Workaholic kasi si Boobay at halos walang pahinga at tulog.

”Ang sipag niya sa trabaho. Walang inaayawan kahit for the love. Kami talaga namimili kami ng trabaho,” bulalas pa ni Allan.

Dumating din sa ganyang punto ng career si Allan na lagare sa mga show pero ngayong stable na siya, hinay-hinay na siya sa work. Binibigyan din niya ang sarili niya na magpahinga at matulog.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …