NAKAKALOKA ang eksena ni Baron Geisler na inihian sa eksena ang character actor na si Ping Medina.
Sa post ni Ping sa Facebook sa galit na naramdaman niya kay Baron nagkaroon ng hashstag na #Cornetto na roon ikunompara ni Ping ang maselang parte ng katawan ni Baron.
“Napakabilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na may bumabasa sa dibdib ko. Medyo mainit at may amoy. Unti-unti ko na realize na putangina, ginagawa niya talaga to. Umagos ito. Basang basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape. One take lang dapat ang eksena: so sinubukan ko mag stay in character. Pero at the same time nawawala na ako sa character. Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw. Dapat nagmamakaawa ako eksena, pero ang nasasabi ko: putangina ka! Putangina ka! Putangina ka!,” bahagi ng post ni Ping.
Pinatay na ni Direk Arlyn Dela Cruz si Baron sa pelikulang Bubog.
Sumagot si Baron sa kanyang FB Account:
“Good afternoon po direk. Sorry. Pero you and i both know na malaking misunderstanding po ang lahat. I asked you three times na direk may gagawin po ako then you just said gawin mo nalang sa eksena. Kung tinanong nyo po ako kung ano yun di sana naiwasan ang mga bagay na ito. You are our captain sa set. You can check the bts for proof kung bastos ako towards anyone. Wala po. May proof. But you were trying to pull off a Brillante Mendoza, bulong ka sa artista na sampalin mo para magulat or maganda reaction. I was slapped many times. So I thought… ahhh… so it’s ok pala to surprise my co-actors sa set. So low po of you to discredit my name. You are better than that po. Mahal kita.
#HUGASKAMAY #PONTIUSPILATE #EPICFAIL”\
May paglilinaw din si Direk Arlyn sa kanyang Facebook Account.
“I did not give any permission to Baron para iihian si Ping. Hindi iyon eksena. Wala sa script, walang instruction. His character, the temper and demeanor was explained to him. He told Ping, seconds before take, may gagawin ako, wag ka magagalit. Direk may gagawin ako, may nadinig kami sampal. Akala namin iyon na yun. Again, nag-rehearse kami kasi nga no monitor, at di uubra. Outpost tried different approaches pero di umubra. It happens, you shoot a scene without monitor. Do not tell me na walang ganun.
“There are always many sides to a story but everyone of us who were there knew what you did Baron.
“You knew you crossed the line. A sincere apology without excuses is how true men handle this kind of situation. Lalake akong kausap, if you know that I mean and with apologies to my fellow women. You said idol at kaibigan mo si Ping. He doesn’t need any aid or push for that scene to work. Paa mo lang nakita sa scene. It was his scene and you have yours. Ganun talaga ang pelikula at buhay, hindi lahat ng gusto mo masusunod.\Magbibigay ka. Makikisama ka, uunawa ka.Sabi mo hastag mahal kita. You cannot deny I supported your efforts to reform. I cheered for your small steps of trying to be sober. Kung you kept your word na di ka iinom, di mo gagawin ang ginawa mo. You are OK when you are sober. I saw and experienced a sober Baron, respectful but a different person when drunk. Hindi ka makulit equivalent to one squad ang bilang.
“Mahalin mo sarili mo Baron and know that you are God’s creation. Marami ang nagmamahal sa Iyo. Nina for one has sacrificed a lot for you. Nobody is perfect. I felt your sincerity in wanting to reform kaya nga tulungan pa kita mag-apologize kay Susan Enriquez na binastos mo weeks ako but she kept silent. Gusto mong lagi ka pag-usapan? Now , it’s out. Sinabi rin pala ni Susan kay Arnold Clavio.
“I am not changing the topic, but you wanted to apologize not because you felt bad. You are scared you won’t get any projects from GMA-7.Apology works only when it’s from the heart. I didn’t know I hired you as Marketing Manager for the film.You are so perfect for the job. Now #Bubog is so hot. Should I say thank you?
“I think we will have a regular screening because of this marketing genius of yours. Thank you ha! Scriptwriter ka na, marketing manager pa. Teka, mag-anchor na ako….”
TALBOG – Roldan Castro