Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabbi Garcia, walang escort sa 18th birthday

SEY ni Ruru Madrid, nababaduyan si Gabbi Garcia na may escort kaya wala raw itong escort sa kanyang debut party sa December 6 sa Marriott Hotel.

December 2 talaga ang kaarawan ni Gabbi pero itinaon nito na wala siyang taping ng serye.

Kunwaring nagtatampo si Ruru at hindi darating dahil hindi naman siya eacort. Pero  pang -17 siya na makakasayaw ni Ruru. First dance ni Gabbi ang lolo niya at last dance naman ang daddy niya. Special pa rin si Ruru dahil siya ang second to the last na makakasayaw ng debutante. Tatlong taon na rin silang magkasama ni Ruru.

Ayaw nga ba niya talaga na may escort?

“HIndi naman sa ayaw. Grabeee. Hindi po ako nag-escort kasi gusto ko ‘yung night na ‘yun gusto ko kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Ang importante, nandoon si Ruru at nasa 18 roses ko siya,” pakli niya.

Pinapili nga si Gabbi ng mommy niya kung travel o material thing pero gusto niya talaga ay debut. Minsan lang daw ito mangyayari.

“‘Yung travel po kasi anytime.At ‘yung mommy ko F.A. naman. Kumbaga, kaya ko namang mag-travel. Pero ‘yung debut… mas-close ako sa family ko, sa friends ko. Gusto ko magsama-sama ang lahat ng mga mahal ko sa buhay,” sambit pa niya.

Ang debut party ni Gabbi ay may Tag na #SincerelyGabbi.

“I want it to be a night where all my loved ones are present. Pero ayaw ko ng masyadong traditional. I want to have the typical 18’s but not strictly going by the rules. I just want to spend a fun night with all the special people in my life,” bulalas pa niya.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …