Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Utol ni mayor druglord sa Cagayan?

THE WHO ang utol ng isang Alkalde sa lalawigan ng Cagayan na hindi marunong matakot sa kampanya nina Tatay Digong at PNP chief Ronald “Bato”Dela Rosa dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin daw tumitigil sa kanyang drug operation.

Ayon sa ating Hunyango dati raw kasing opisyal ng PNP ang kanyang utol bago naging Mayor ng nasabing probinsya kung kaya’t ang lakas ng loob na magpatuloy sa kanyang kademonyohan.

Bumaliko na at umabot hanggang sa lupa!

Wahahahahahahaha!

Sa totoo lang daw, ang laki na ng haybol nitong si utol na itago na lang natin sa pangalang “Dodong Shabu”or in short DS at marami nang magagarang sasakyan.

Hanep, bigtime si Kumag!

Timbre pa sa atin, hindi lang sa naturang lalawigan ang kaharian ni DS! Dahil umabot na raw ang kamandag nito hanggang Southern Luzon!

What the… !

Lagi pa raw iniyayabang na hindi siya kayang gibain dahil pader ang  kanyang sinasandalan kung kaya’t mahirap siyang maibuwal.

Meganun?!

Wait mo lang ‘pag nakapa ka ng ating Pangulo at ni Chief Bato tingnan ko lang kung pader nga ‘yang sinasandalan mo. Kung ‘yong mga Heneral nga ‘di sinanto e ikaw pa kaya?

Hindi lang daw iyon dahil may extension pa ang pagiging drug lord nito kasi pati illegal gambling pinasok na rin niya!

O ‘di ba ang tindi?!

Sumbong kita kay Pikachu e!

Har har har har har!

Sabi nga ng kaibigan nating opisyal magkakabit daw talaga iyang droga at gambling kaya kung gusto raw talaga makahuli ng big fish tambay ka sa mga casino.

Ngak! Hohohohoho.

Bagama’t maraming dating pulis na naging mayor sa Cagayan pero sa sumbong ng Hunyango natin, hetong si DS daw ang bukod tanging luminya umano sa droga.

Kilalanin kung sino siya!

THE WHO? Scandal
ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …