MATAGAL na nating sinasabi na kailangan nang mahuhusay, magagaling at tapat na intelligence group or network na karapat-dapat italaga sa giyera ni Pangulong Digong laban sa ilegal na droga.
Sa pamamagitan nito, walang makapapasok na basurang impormasyon para sa tuloy-tuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.
Ang nagaganap ngayon na pagkakadawit ng pangalan ng actor/politician na si Richard Gomez a.k.a. Goma sa Espinosa drug syndicate ay kahinaan ng intelligence group.
Lumalabas na ang nagdadawit kay Goma ay isang police official na si C/Insp. Jovie Espenido na tumulong umano kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., sa pag-i-execute ng affidavit na naglalantad sa mga public official na kasabwat ni Kerwin Espinosa sa sindikato ng droga.
Pero inaamin din mismo ni Espenido, mayroon silang personal grudge ni Goma.
Sabi niya, “Kasi sa akin naman galit si Mayor Richard. Maski wala pa iyong affidavit ni Mayor Espinosa, talagang pinipersonal ako ni Mayor Richard,” ani Espenido sa panayam sa radyo.
May dialogue pa umano si Goma na, “Nagpunta siya roon, sinabi niya na uubusin ko ang intelligence fund ko mamatay lang si Espenido. Galing iyon sa bibig niya.”
Sabi ni Espenido ‘yan.
‘E hayop naman pala talaga ang mga linya, parang pelikula.
Kung ganito ang situwasyon, hindi kaya si Goma ay tila naiipit ngayon sa larong truth or consequences dahil sa away nila ni Espenido?
‘Yan naman ay kung kokompirmahin ni Goma na may away nga sila.
‘Yun bang tipong kapag ayaw mag-truth ni Goma, pipiliin niya ang consequences.
At ‘yung consequences na iyon ay iyong sinasabi ni Espenido na kasama si Goma sa affidavit ng pinaslang na si Mayor Espinosa.
Mukhang hindi nga dapat bitawan ng Senado ang imbestigasyon sa pagkakapaslang kay Mayor Espinosa. Dahil marami silang matutuklsan kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.
At higit sa lahat, kung ano ang motibo ng pamamaslang.
Paano makatitiyak ang higher authorities sa authenticity ng affidavit ng pinaslang na si Mayor Espinosa?!
Baka kamukat-mukat natin ‘e pati pangalan ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ‘e nakalista na sa affidavit ni Espinosa?
Hindi kaya?
Hindi ba’t mayroong tatlong akusado na nagsasabing si Espenido at isa pang babaeng police officer ay sangkot sa fabrication ng kanilang original affidavit?
Pero ayon kay Espenido, ang bagong affidavits ay sinumpaan sa harap ni Atty. Adelito Solibaga Jr., na sinabing abogado ni Goma nitong nakaraang May elections.
Ayan na, nagsasalimbayan na naman ang katotohanan at tit for tat sa propaganda, ano ang panghahawakan ng publiko kung ano ang katotohanan?
Kaya ‘yan po ang sinasabi natin.
Dapat ang Pangulo ay mayroong malalakas, magagaling at tapat na intelligence group, madali niyang malulutas ang mga isyung gaya nito.
‘Yan ay para maigawad ang katarungan matapos dumaan sa makatuwirang proseo ang pagmamanman.
Mapalad si Goma na mayroon siyang finance and logistics para ipagtanggol ang kanyang sarili.
Paano ‘yung mga wala?
Umaasa tayo na mapagtutuunan ng pansin ni Pangulong Digong ang ganitong mga insidente.
WALA BANG NAKAPAPASOK NA ILLEGAL ALIEN SA MALALAKING EVENTS NA GINAGANAP SA BANSA?!
Marami ang nakapapansin na dumarami ang mga nagtatanghal sa ating bansa na hindi natin nalalaman kung legal o illegal alien ba?
Gaya ng isang gaganaping show sa Rockwell sa Makati City.
Isang show ang gaganapin sa Rockwell sa December 10.
Ang front act ay kinabibilangan ng isang pamilya mula sa Nashville, USA at itatampok nila ang, Carpenters.
Guests nila ang local artists na kinabibilangan nina Mitch Franco, Mitch Smith, Noel Cabangon, Lou Bonnevie at ang Psalm of David Choral.
Wala sigurong problema sa local artists, pero ‘yung front act mula sa Nashville, mayroon ba silang working permit mula Bureau of Immigration (BI)?!
Commissioner Jaime Morente Sir, puwede bang pakibusisi ang mga show na inilulunsad sa ating bansa?!
Lalo na ‘yung mga hindi masyadong pansinin pero tumitiba sa ticket sales?!
‘Yun lang po.
WELCOME BACK BOC DEPCOM ARIEL F. NEPOMUCENO & TEDDY SANDY S. RAVAL!
Mainit na tinanggap ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) sina Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno para sa Enforcement Group at Deputy Commissioner Teddy Sandy Raval para Intelligence Group.
Wala tayong narinig na tumutol nang muling italaga ang dalawa sa BoC sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Unang-una, dahil maganda naman ang kanilang records at gamay na nila ang BoC.
Ikalawa, walang mga naging isyu sa kanila sa panahon ng kanilang panunungkulan noon sa BoC.
Kapwa sila kilalang mabuting hepe pero estrikto sa mga nagkakamali at gumagawa ng katiwalian sa bureau.
Magkagayonman, laging suportado nila ang kanilang tauhan na nagtratrabaho nang maayos sa kanilang departamento.
Very humble din ang dalawa. Walang yabang at hindi mo maririnig na nagtataas ng boses pero matindi kung trabaho ang pag-uusapan.
SIR Jerry, tulungan po ninyo kami na maparating ang aming mga katanungan sa MIAA Finance Division. Bakit kalahati lang ang ibinigay na 13th month pay sa amin? Bakit wala pa ang cash gift na ibinibigay sa amin tuwing Nobyembre. Pati 14th month pay wala pa rin po. Kikita na naman mga 5/6 diyan sa finance division. – concerned airport employee po.
+639275576 – – – –
‘KUPITAN’ NG MPD NAGPAPA-PROMOTE NA?! (ATTENTION: NAPOLCOM)
SIR Jerry, FYI, ang kilabot na kupitan na si ‘JI’ ng MPD ay nakasalang for promotion. Dapat busisiin mabuti ng NAPOLCOM ang taong ito na nagpayaman sa panahon ni Erap. I-lifestyle check sana kung karapat-dapat ma-promote. MPD loyal police.
+63906728 – – – –
PROSTITUTION SA LA CAFÉ, BUHAY NA NAMAN?!
GOOD pm sir, santambak na naman ang mga pick-up girls sa LA café sa Ermita. Kc may pulis tongpats sila na malakas sa city hall at pulis. Si Tata Abet ho ‘yan.
+639286300 – – – –
UNTOUCHABLE SPA-KOL SA MAYNILA
SIR Jerry, ni-raid mga massage parlor sa Binondo pero ang Hiroshima spa hndi pinupuntahan ng pulis. Mas mataas ho ba ang timbre nila sa MPD?
+639227272 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN ni Jerry Yap
About Jerry Yap
Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)