Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga Kabalen ni Allen, dumagsa sa Robinson’s Balibago para sa Area

SUMUGOD sa Robinson’s Balibago, Angeles City ang mga Kabalen ni Allen Dizon upang suportahan ang pelikulang Area. Naganap ito last Wednesday at bukod kay Allen, present sa naturang event ang mga tampok sa pelikulang ito tulad nina Sue Prado, Sancho delas Alas, Eufrocina Peña, Tabs Sumulong, at iba pa.

Hindi nakarating ang isa sa bituin nito na si Ai Ai delas Alas dahil sa jetlag. Kagagaling lang kasi ng Kapuso comedienne sa US para sa dalawang concerts doon.

“Nagpapasalamat kami sa mga taga-Angeles sa pagpunta nila rito, sa suporta nila. Masaya ako kapag ganito, dahil kung sa abroad o sa mga international filmfest ay tinatangkilik at pinupuri ang mga pelikualng tulad ng Area, sana ganoon din dito sa ating bansa. Kaya nakakataba ng puso ito,” wika ni Allen.

Nang biruin naman namin si Allen kung puwede niya kaming samahan sa Area na dati siyang naging customer noong kabataan pa niya, nakangiting sagot niya sa amin: “Halika punta tayo, malapit lang iyon dito.”

Nariring ko sa aking tabi at likuran ko ang reaction ng moviegoers sa pelikula at kuwelang-kuwela ang mga eksena rito pati na ang dialogues dahil halos 95 percent ng kabuuan ng pelikula ay nasa native dialect ni Allen na isang Kapampangan, although may English sub-titles naman ang pelikula.

Ang pelikulang ito na bagong obra ni Direk Louie Ignacio mula BG Productions International ay sumasalamin sa kalagayan ng mga taong kapit sa patalim para lang maka-survive sa hirap ng buhay, kahit na magpakababa sila sa pagbebenta ng laman. Hinggil ito sa isang lugar sa Angeles City, Pampanga na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga.

Ayon naman kay Direk Louie, sobrang saya niya dahil pati mga staff niya at ibang kasamahan sa industriya ay todo-suporta sa kanyang pelikulang ito.

Masayang saad naman ng lady boss ng BG Productions na si Ms. Baby Go: “Natutuwa kami sa suporta ng mga taga-Angeles, Pampnga sa aming pelikulang Area. Proud kami sa pelikulang ito, like noong nasa Kazakhstan kami, talagang yung mga manonood doon at pati media ay talagang pinupuntahan kami para batiin kami at para ma-interview about sa Area.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …