Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista
Heart Evangelista

Heart, gumastos ng P200K para lang sa isang banyo

ISANG dating katrabaho sa GMA na nagpapagawa rin ng bahay ang bumili sa tindahan ng mga bath fixtures na binilhan din kamakailan ni Heart Evangelista.

Sa parteng Maynila ang tindahang ‘yon na puro imported ang mga kalakal na siyempre’y may kamahalan ang presyo.

Mismong ang saleslady ng store ang nagtsikang doon din bumili si Heart ng mga gamit sa kanyang banyo sa bahay na minamadali na niyang matapos. Siguro’y itinataon ni Heart ang completion ng bahay in time for Christmas kasama siyempre ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.

Na-curious tuloy ang dating nakatrabaho ni Heart kung magkano ang inabot ng nabili ng aktres. Sagot ng kahero, kulang-kulang P200,000 ang napamili nito.

Napangiti lang ang dating workmate ni Heart, halos ganoon din kasi ang presyong inabot ng kanyang napamili para sa anim na toilet ng kanyang ipinagagawang bahay.

Ang kaibahan nga lang, ang halagang almost P200K na ipinambili ni Heart ay para lang sa isang bathroom niya!

So, nai-imagine na namin na kung paliguan lang ni Heart ay ganoon kamahal ang gamit, how much more sa ibang bahagi ng kanyang bahay?

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …