Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic Sotto, aminadong madaling magsawa

NATURAL comedian talaga si Bossing Vic Sotto.

Noong October 29, Sabado, ay tumayong ninong si Bossing sa kasal ng pamangkin niyang si Chino, anak ng kapatid niyang si Maru na dating asawa ni Ali Sotto. Chino, elder brother of the late Miko, tied the knot with Charlene, anak ni Mayor Tony Calixto ng Pasay City, sa St. Therese.

Ginanap naman ang reception sa Shangri-La sa Bonifacio Global City.

Si Bossing Vic, who came with his wife Pauleen Luna, ang huling nagbigay ng message para sa mga newly weds.

Banat niya sa reception, “Hinilingan ako magbigay ng speech para sa mga bagong kasal…eh, bagong kasal din ako.” Nagtawanan daw ang lahat.

Patuloy pa niya, “Itong si Chino, three months old pa lang, eh, inalagaan ko na ‘yan. Nilalaro-laro ko pa ‘yan sa crib sa sala ng bahay nila pero ‘tong mag-asawang Maru at Ali, nagkulong sa kuwarto. Siguro, ginagawa naman nila noon si Miko.”

Muli, nagtawanan ang audience. Pero sa bahaging ito ng kanyang speech nagkaroon ng mas malakas na tawanan.

“Ako pa naman, madaling magsawa…” sa puntong ‘yon ay tumingin daw ang lahat kay Pauleen, “sa mga bata (kids), ang ibig kong sabihin,” kambyo ni Bossing.

Kompleto raw ang magkakapatid na Sotto sa okasyong ‘yon. Ang magkapartner namang lumakad sa aisle ay si Omar (asawa ni Ali) at si Pauleen.

For sure, saan man naroon ngayon si Miko ay maligaya siya para sa kanyang kuya. Miko would have been 35 kung nabubuhay siya ngayon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …