ANG lakas ng tawa namin doon sa balita sa telebisyon na nagreklamo ang Asian superstar na si Lee Min Ho dahil napuno na siya sa mga basher na kung ano-ano ang sinasabi laban sa kanya sa social media. Bakit nangyayari iyan? Kasalanan din nila eh. Ini-expose nila ang sarili nila sa social media, natural nariyan na ang mga basher.
Kasalanan nila eh, kasi panay ang pa-interview nila at pa-pictorial sa mga blogger, na natural lang mababasa at maaaring mag-comment din ang ibang mga internet user, eh ‘di maba-bash nga sila,
Noong araw, galit na galit lang ang mga artista kung napupuna sila ng mga lehitimong kritiko at journalists. Ngayon mas masahol ang nangyayari sa kanila dahil binabastos na sila ng mga basher at wala silang magawa. Ni hindi sila makapag-demanda dahil sino ba ang idedemanda nila eh wala namang identity iyang mga basher na iyan. Iyon ngang mga blogger hindi mo alam kung ano ang totoong identity eh. Iyan ang sinasabi naming masamang epekto ng social media.
Kasalanan nila eh, pinapasok nila. Kaya ang masasabi lang namin, sige blog pa more.
HATAWAN – Ed de Leon