Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imelda Schweighart, napahamak ng blogger

ANG tindi ng nangyari kay Imelda Schweighart. Nag-resign na siya ngayon bilang Miss Philippines Earth, matapos na masangkot sa isang controversy nang may maglabas sa social media ng isang video na sinasabi niyang ang nanalong si Miss Ecuador ay ”fake ang ilong, fake ang baba, fake pati boobs”. Na inamin naman niyang sinabi niya out of disgust.

Iyang si Imelda, nag-showbiz iyan noong araw. Kasama siya roon sa Bagets Just Got Lucky na inilabas sa TV5, at naging co-host din ni Willie Revillame. Imee Hart ang ginagamit niyang pangalan noon.

Nakahihiya talaga ang nangyaring iyan, lalo na’t kung iisipin na ang Pilipinas pa naman ang host ng Miss Earth pageant ngayong taong ito. Pero nangyari lang iyan dahil sa kawalan ng proper protocol.

Nagsimula lang iyan sa isang social media blogger. Kinunan ng video si Imelda na hindi niya akalaing ilalabas sa social media. Ang mentalidad naman siguro niyong kumuha ng video, kontrobersiyal iyon at hindi niya inisip kung ano ang kahihinatnan. Hindi mo rin naman masisisi, kasi hindi naman iyan isang lehitimong peryodista na nag-iisip kung ang gagawin ba niya ay ano ang epekto, o kung ang pagkakakuha ba niya ng istorya ay nasa tamang protocol.

Ganyan ang peligro talaga ng social media, dahil ang karamihan sa mga bloggers, hindi kagaya ng mga lehitimong reporters na alam ang kanilang responsibilidad. Sige, blog pa more.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …