Thursday , December 26 2024

PH nagkawindang-windang sa team PNoy

SADYA nga bang luko-luko ang nakalipas na administrasyon, kung kaya’t magulong-magulo ang bansa nang pasukin ito ni Ka Digong?

Hehehe…

Tama ka ‘igan, luko-luko nga ang itinawag ni Ka Digong sa nakaraang administrasyon. Bakit nga ba ‘igan? Dahil ba sa sobrang duming iniwan ng mga tampalasan?

‘Ika nga nang marami, weather, weather lang ‘yan! Tulad ng paglalantad ng mga katiwalian at katarantaduhan ng ilan nating mga lingkod-bayan. Talaga namang ibang klase at nakababaliw ang pinaggagagawa ng dating administrasyong PNoy mga ‘igan.

Mantakin n’yo nga naman, anim na taong naghintay ang taongbayan sa mga pangako ni P’Not este P’Noy na pauunlarin niya ang Filipinas, ‘yun pala ang mga ‘bata’ niya ang umunlad!

He he he…

Natatandaan ko pa mga igan, sabi ni dating PNoy, magpapasagasa raw siya sa tren, kapag hindi natapos ang Cavite-MRT! E paano ‘yan, ni hindi nga naumpisahan ang tinamaan ng lintek na proyekto!

Aba’y teka, nasaan na ang isa pang salarin? Nasaan na kaya ngayon si dating DoTC Sec. Emilio A. Pabaya este Abaya? Dapat ang mga tinaman ng lintek na ‘yan ang parusahan para hindi na pamarisan pa ng iba!

Aba’y kung may katotohanan lang naman ‘igan ang sinabi ng aking pipit na malupit!

He he he!

Isa pa, ang Department of Agriculture, mga igan, noong panahon ni P’Not este PNoy, kaya pala hindi umunlad-unlad ang sektor ng agrikultura sa Minadanao ay dahil sa katarantadohan din ng mga dating opisyal nito!

Sus ginoo!

Ayon sa aking pipit na malupit mga ‘igan, binulok lang ng mga ulupong ang gamit pang-agrikultura, tulad ng bangka at mga traktor na dapat ay pinakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda.

Mantakin n’yo nga naman, sa loob ng anim na taong panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino, nakatambak lang sa bodega ng Department of Agriculture ang mga makina!

Sus hindi ganyan ang pagsira ng mga gamit na ‘yan! Magkanong dahilan at hindi ito nailabas at naipagamit?

Ang kaso’y nabuking…Sayang!

Idagdag pa ang dating pamunuan ng DSWD, na hindi ibinahagi ang relief goods sa mga nangangailangan na dumanas ng sakuna. Hayun, hanggang mabulok na lang sa bodega, katatago! Sus ginoo! Sayang na biyaya na dapat ay napakinabangan ng sambayanan. Magkanong dahilan din at hindi naibahagi sa mga nangangailangan? Ang kaso’y nabuking din, sayang!

Balikan natin mga ‘igan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa totoo lang mga igan, mula nang alisin ang pangalang Manila International Airport (MIA) at palitan ito ng NAIA ay nagkawindang-windang na, pati ang pamamalakad ng nasabing Airport!

Ay sus! Kapalpakang ‘di matatawaran. Tama na! Tuldukan na! Hirap na ang bansa!

Kung ating tututukan, talagang kapansin-pansin mga ‘igan itong si Pangulong Digong Duterte na galit sa mga taong protektor o’ yaong mga sangkot sa mga ilegal na gawain! Ang nakapagtataka mga ‘igan, bakit hindi ito pinakialaman ng mga dating naging pangulo ng bansa, na talamak na pala ang droga rito sa ating bansa? Ay Sus Ginoo! Isipin ninyo mga ‘igan, mula nang maupo si Cory Aquino bilang pangulo ng bansa’y dumami nang dumami ang mga ilegal na gawain tulad ng droga, kidnap for ransom, holdap, akyat bahay gang, illegal terminal, squatters, Abu Sayyaf at marami pang ibang ilegal sa bansa.

Only in the Philippines!

He he he…Ito mga igan, ang sinasabi nilang dulot ng demokrasya! Inabusong tunay, kaya’t nagkaganyan ang bayan.

Sa  totoo lang mga ‘igan, ang lahat ng ina-alis ni Ka Digong Duterte na ilegal sa bansa ay mula pa kay dating Pangulong Cory Aquino at lalong dumami nang dumami ang mga ilegal na gawain nang maupo pa ang mga kaalyado ni Cory Aquino.

Bago naalis si Pangulong Marcos sa bansa, lahat ng sugal ay itinigil, maging ang jueteng ay ipinahinto ni Pangulong Marcos! Isa lang ang tanong ng mamamayang Filipino mga ‘igan, “Paano na kaya ang bansa kung ang nanalong Pangulo ng bansa ay si Mang Mar Roxas?

Ewan lang ‘igan…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI

ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *