Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Snooky, emosyonal na nagpasalamat kay Marina

NAGING emosyonal si Snooky noong press conference ng bago niyang serye, lalo na noong pasalamatan niya ang co-star na si Marina Benipayo sa mahusay na pangangalaga sa kanyang mga anak. Inamin niyang hindi naman sila magkaibigan ni Marina, pero alam niya kung paano pinangalagaan niyon ang kanyang mga anak.

Si Marina kasi ang naging partner ng dating asawa ni Snooky na si Ricardo Cepeda pagkatapos nilang maghiwalay. In fact sinasabing mas naunang nakilala ni Ricardo si Marina. Nagsisimula pa lang sila pareho sa modelling noong magkakilala. Kaso naging artista nga si Ricardo at naging asawa ni Snooky. Si Marina naman nagpatuloy sa kanyang modelling at nakapag-asawa na rin.

Pareho namang nahiwalay sa asawa sina Ricardo at Marina, kaya nang magkasama sila sa isang teleserye noon, nagkaligawan ulit at nagsama sila. Noon ang panahong sinasabi ni Snooky na ang kanilang mga anak ni Ricardo ay inalagaan ni Marina.

Hindi mo naman masasabing “third party” si Marina. Kasi nagkasama naman sila ni Ricardo matapos na humiwalay iyon kay Snooky. Masasabi mo lang na “third party” iyan kung siya ang naging dahilan ng paghihiwalay, o naging dahilan siya ng hindi pagbabalikan. Eh hindi naman ganoon ang kaso kaya mali naman iyong sinasabi ng iba na si Marina pala ang “third party”. Hindi naman totoo iyon.

Siguro kung si Marina nga ay “third party” o siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Ricardo, sabihin mo mang mabuti ang ginawang pangangalaga niyon sa kanyang mga anak, hindi iyan mapasasalamatan pa ni Snooky. Baka nga nag-demand pa si Snooky na mamili na lang kung sino sa kanilang dalawa ang kukunin sa serye.

Pero dahil maayos naman, at naging mag-on naman sina Marina at ang ex ni Snooky, noong ex na sila. Walang problema.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …