Thursday , December 26 2024

Patutsada ni DU30 nakatuturete

SADYANG nagdudulot ng kalituhan o nakatuturete nga bang tunay mga ‘igan ang papalit-palit na pagpapahayag ni Ka Digong Duterte?

Sa China, una nang ipinahayag na tutuldukan na ang relasyong Amerika at Filipinas. Marami ang nalito…marami ang umalma!

Kung maaari lang umano’y bawas-bawasan ang pagbatikos laban sa Amerika, ani State Department Assistant Secretary Daniel Russel. Mantakin n’yong ;di pinalagpas ni Ka Digong si Russel, bagkus sinagot na huwag siyang pagbantaan at palabasin na mas matalino sila.

He he he…Astig talaga si idol Digong! He, he, he! Aba’y ‘igan, huwag na huwag n’yong binabalaan sa pananalita si Ka Digong at hinding-hindi kayo tatantanan ng resbak nito…

He he he…

Dagdag ni Ka Digong mga ‘igan, “Now, what did I tell to China? I went there just being nice. O tingnan mo ang lumabas…Duterte sparks International Distress. T.I. kaliit-liit kong tao ba’t ka ba ma-stress, nerbiyoso kayo! Kasi guilty…”

Sus, sadyang guilty nga ba ‘igan kaya umikot ang wetpu sa nerbiyos? ‘Yan ang sinasabing resbak ni Digong, matatauhan silang talaga!

Sa pag-arangkada ni Ka Digong sa China mga ‘igan, milyon-milyong tulong naman ang ipinaabot sa bansa. Pero sa kabila ng pagtulong at pangangapital ng China sa Pinas, aba’y kontra de patola naman ang mga dilaw!

Gusto umanong paimbestigahan ang suporta ng China sa Pinas.

Aba, aba, aba, teka muna!

Ano na naman ba ang magiging motibo o’ tunay na motibo ng Partido Liberal sa kanilang balak na pagsawsaw sa isyung tulong na ibibigay ng China? Hindi kaya…lilikha na naman sila ng malaking banat laban kay Ka Digong kasabay ng pagpapaangat sa manok nilang si Vice President Leni Robredo?

Haaayyy…tama na muna siguro ang mga pagdinig sa Senado. ‘Ika nga, nakasasawa rin paminsan-minsan, ‘di ba mga ‘igan, lalo na yaong patutsadahan, banatan at babuyan sa isa’t isa? Manong maggalangan at suportahan ang kasalukuyang administrasyong iniluklok ng sambayanang Filipino. May pagdinig man ‘igan, aba’y talakayin na lamang ang mas mahahalagang bagay at isyu, sampu ng pagtutulungan sa paggawa pa ng mga batas para sa papaunlad ng bayang Filipinas.

Let’s move on ‘igan…

MACOY BUBUHAYIN NI DIGONG

Nakatutuwang isipin mga ‘igan na balak umano ni Ka Digong na muling buhayin partikular ang Programang “Masagana 99” na ginawa noong administrasyong Marcos. Layunin ng nasabing Programa na magkaroon ng sapat na palay at bigas ang bansa, kasama ang murang pataba sa lupa na gagamitin ng mga magsasaka, upang maitaas ang kanilang kita.

Maging ang karapatang mangutang ng mga magsasaka ay kasama rin sa programa.

Sa ganda ng mga programa para sa kapakinabangan ng bansa, bibilib rin kay Manila City electrical engineer Williardo P. Manibak sa suportang ibinigay kay Barangay 202 Zone 18 District II Chairman Danilo Samson, sa pagpapailaw ng Barangay Hall, para sa tuloy-tuloy na paglilingkod ito sa tao.

Taliwas sa ginagawang programa ng ilang tarantadong opisyal ng barangay. Mayroon daw isang Chairman Godo, aba’y nuknukan ng kabalastugan ang pinaggagagawa sa kanyang barangay. Mantakin n’yo naman mga igan, dati umanong naka–jamper sa barangay hall ang kilalang White Board Bldg. noong ginagagawa pa ito.

Aba’y ngayo’y ang barangay hall na ang naka–jamper dahil ninenok umano ng punong barangay at ng barangay secretary ng nasabing barangay ang buwanang upa ng White Board Bldg., sa jamper nito sa barangay hall na nagkakahalaga ng P72K.

Hindi umano ibinabayad ng damuho sa Meralco! Sus, kung may katotohanan ang bulong ng aking “Pipit” na malupit, aba’y…paging Mayor Joseph “Erap” Estrada, Sir, sampolan po ninyo ang mga tiwaling animal na barangay officials nang hindi pamarisan!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI

ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *