Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis at lover huli sa akto ni mister

SAN ANTONIO, Quezon – Kalaboso ang isang misis at kanyang lover makaraan mahuli sa akto ni mister habang nagtatalik sa isang motel sa bayang ito kamakalawa.

Sa ipinadalang report ng San Antonio PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Antonio Candido Yarra, OIC Acting Provincial Director, dakong 10:30 pm nagsadya sa himpilan ng Pulisya ang biktimang nagngangalang si “Dexter”, 39, upang ireklamo ang kanyang misis na nakita niyang may kasamang lalaki nang pumasok sa motel.

Agad sinamahan ng mga pulis si Dexter sa nasabing motel.

Habang nasa kainitan ng pagtatalik ang misis ng biktima na si Lennie, 38, at lover niyang si Onie, 38, nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Dexter at kasamang mga pulis.

Nakapiit na sa lock-up jail ng San Antonio PNP ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong adultery.

( RAFFY SARNATE )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raffy Sarnate

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …