SA pagbisita ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa China, isa raw sa napagkaisahan ng magkabilang panig ‘e ang pagpayag ng gobyernong singkit na papasukin ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough shoal.
Sa ganang atin, ito ay “adding insult to injury.”
Masakit ito sa dibdib ng isang leader ng bansa. Lalo sa isang gaya ni Pangulong Digong na walang ibang inisip kundi ang isulong ang kapakanan ng bansa.
Pero mukhang tumataktika ang Pangulo upang lubos na maging alyado ang China.
Ang tanong nga lang dito, hanggang saan papasukin ng Chinese government ang mga mangingisdang Pinoy?!
Nakalulungkot na ang ipinaglalaban natin na mabawi ang Scarborough shoal, ay mukhang hindi mangyayari.
Pero hindi na nga mabawi, binibigyan pa tayo ng kondisyon kung hanggang saan puwedeng mangisda?!
Wattafak!

Sa haba ng panahon na kaalyado natin si Uncle Sam, ni hindi man lang naging sapat ang puwersa ng ating sandatahang lakas para mapangalagaan ang teritoryong nakatakda para sa atin.
‘Yan ‘yung sinasabi ni Pangulong Digong na sinasabi ni Uncle Sam na kinakalinga tayo pero hindi tayo pinagkalooban ng totoong malakas na armas.
At dahil wala tayong sopistikadong armas, ni hindi natin naipagtanggol ang ating kasarinlan na ilang panahon nang binu-bully ng China sa isyu ng Scarborough Shoal.
Sa ganang atin, mas mabuti pang makipagkaibigan sa inaakala nating nang-aagaw ng ating teritoryo gaya ng China pero tutulungan naman tayong imodernisa ang ating mga armas militar.
Kaysa sa Estados Unidos na pawang pambobola ang ginagawa sa atin.
For the meantime, let’s wait and see mga kababayan!
BARANGAY ELECTIONS
TULUYAN NANG IPINAGPALIBAN

Napakasuwerte naman ng mga nanunungkulang barangay officials ngayon…
Napalawig pa nang isang taon ang kanilang panunungkulan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagpapaliban sa barangay elections hanggang Oktubre 2017.
Ang malungkot ngayon, ang constituents sa mga barangay na may abusadong barangay officials. May protection racket sa mga ilegalista at higit sa lahat mga operator mismo ng illegal gambling, illegal drug trade, tongpats sa vendor at tongpats o operator mismo ng ilegal terminal.
Huwag na tayong lumayo ng eksampol.
Diyan sa Lawton, hanggang ngayon, hindi mawalis-walis ng Manila city hall ang illegal parking ng mga kolorum na sasakyan.
Magkano ‘este ano ba talaga ang dahilan?
Sana ay ituloy na ni Pangulong Digong na i-appoint na lang ang mga barangay officials.
Sa ganoong paraan ay makatitipid pa ang pamahalaan.
Kahit walang eleksiyon sa barangay, sana ay mawalis na ang mga narco barangay officials at illegal activities operator.
Harinawa.
HINAING SA MTPB

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com