NALUNGKOT si Christopher de Leon sa pagkakadakip kay Mark Anthony Fernandez dahil inaanak niya ito.
“Oh, wow, wow… shocked! A kilo… of marijuana?That’s kinda hard to tackle, ‘no?Hopefully one of these days I can visit my inaanak. Inaanak ko pa ‘yun,” reaksiyon ng magaling na actor nang makatsikahan siya sa prescson ng pelikulang The Escort na showing sa November 2 under Regal Entertainment Inc.
“Just be there, just visit him and make him feel that we care. Kasi wala ka namang masasabi, alam mo ‘pag nandoon ka sa loob, masasabi mo bang, ‘Kumusta ka?’Di ba? Ang hirap. Or, ‘Okay ka lang ba?’Hindi, lahat hindi! Kasi ang kulungan talaga is hell!
“It’s hell. Kasi naaalala ko ‘yung pamangkin ko (Tony Boy Lejano, anak ni Pinky De Leon), ‘di ba, sa Vizconde. Oo, acquitted, wala namang kasalanan, ang tagal, ang tagal (nakulong). And you know everytime I go there it’s just like, halos tahimik lang kami, tapos kuwento ng ibang mga kalokohan,” sey pa ni Boyet.
Sumusuporta rin ang actor sa kampanya ng Duterte administration sa pagsugpo sa illegal drugs.
“Well , pakinggan natin ang Presidente. Pakinggan natin ‘yung mga babala. Tama na muna ang ano, let’s get serious, let’s stay away from… it’s really ano, demonyo ‘yan, demonyo talaga ‘yang droga!Demonyo ‘yan, alam ko yan. I’ve been there, I’ve done that and the only way that I was delivered from that was God.
“So tamang-tama lahat ‘yan, sana maging way nila is you know, to surrender themselves to our Maker. And tama si Presidente,” deklara pa niya.
“Stay away from drugs! It is the tool of the devil! Okay?It is the tool of the devil. During those days, na I was taking it, I was losing everything! I was selling stuff, nobody wanted to get me for projects anymore, friends are shying away from me, my parents were like worried like hell, tapos ‘yung family ko iniwan ako.You know wala kang panalo riyan, eh! Wala kang panalo riyan. Hang on to God, kapit-tuko ka sa Panginoon and eventually He will make a way for you,” bulalas pa niya.
Anyway, kasama niya sa pelikulang The Escort sina Lovi Poe, Jean Garcia, at Derek Ramsay. Ito ay sa direksiyon ni Enzo Williams.
TALBOIG – Roldan Castro