Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza at JC, actress & actor of the hour sa 4th Quezon City Filmfest

MUKHANG si Ryza Cenon ang magiging actress of the hour sa darating na 4th Quezon City Film Festival at si JC de Vera naman magiging male counterpart n’ya.

Magpapaka-daring for the first time ang abandonadang GMA Network Star sa festival entry n’yang Ang Mananggal sa Unit 23B: may rape scene siya, may sizzling sex scene, at may masturbation scene.

Si JC naman ay gaganap na isang discreet na bading na drug pusher na mabibilanggo at maipagpapatuloy ang pagiging kriminal kahit nasa preso na. Ito ay sa entry na Best. Partee. Ever.

Si Martin del Rosario ang love interest ni Ryza sa Ang Manananggal—pero hindi si Martin ang rapist n’ya, hindi rin ang napaka-boyish na actor ang makaka-sex scene n’ya. Si Cholo Barreto ang gumanap na rapist n’ya. Si Prime Cruz ang director nila.

Ayaw magsalita ni JC kung may sex scenes siya sa Best. Partee. Ever. Pero nasa cast nito ang dating bold actor na si Jordan Herrera at ang guwapitong young actor na si Aaron Rivera. Si Howard “HF” Yambao. Nasa cast din nito si Mercedes Cabral at ang beteranang character actress na si Odette Khan.

Noong press conference sa Gloriamaris restaurant sa Gateway Mall sa Cubao, QC, para sa festival, magkahiwalay na inamin nina Ryza at JC na “uncomfortable” sila sa mga pinaggagagawa nila sa respective film entry nila pero wala naman silang pagsisisi sa mga proyektong ‘yon dahil naitawid naman nila ang mga iyon. Pareho silang naniniwalang puwedeng maging simula sa pagbabagong timpla ng respective acting career nila.

Actually, pareho silang first time na may entry sa QC Film Festival, first time na gaganap sa “dark adult roles” kaya sila ang itinuturing namin magiging “actress and actor of the hour” sa festival na magsisimula sa October 13 at magtatapos sa October 22.

May entries din naman sa festival ang mga beterana at premyadong actress sa international festivals na sina Nora Aunor at Jaclyn Jose—pero sanay na tayong lahat sa kakayahan nila sa harap ng kamera.

Ang Bikolanong Hinulid ang entry ni Nora at ang Cebuanong Patay na si Hesus ang kay Jaclyn. Mahirap nang pagdudahan na mangunguna sila sa finalists bilang Best Actress ng festival.

Sa mga sinehan sa Gateway, Trinoma, UP Town Center, Quezon City Museum, at Robinson’s Galleria ipalalabas ang mga pelikula. Kasali ang Galleria sa listahan dahil bahagi pa pala ng QC ang lupang kinatitirikan ng mall na iyon.

Oo nga pala, 27 years old na pala si Ryza, pero mukha pa rin siyang teenager. Bagay pa rin sila ng ever boyish na si Martin. Nagpe-painting-painting na pala ngayon si Ryza. Abstract daw ang style n’ya kaya hindi n’ya kailangan ang modelo sa pagpipinta.

KITANG-KITA – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …