TINANONG si Piolo Pascual sa presscon ng Sugar Wars Sunpiology Run na gaganapin sa November 19 (by sunset) sa Camp Aguinaldo, QC kung kailan nila ire-resume ni Toni Gonzaga ang kanilang serye na Written In Our Stars. Nanganak na kasi si Toni at waiting na lang kung kailan siya babalik sa trabaho.
Nag-message raw si Papa P kay Toni na gusto niya talagang gumawa ng soap kasama ang actress-TV host at sinagot naman siya ni Toni na baka handa na itong mag-work ulit sa January o February. Ibabalik lang daw niya ang katawan niya na parang hindi nanganak.
Anyway, excited si Papa P sa 8th Sunpiology Run na kasama ang mga Star Magic talents na tatakbo gaya nina Xian Lim, Gerald Anderson, Jessy Mendiola, Ejay Falcon, Hashtags at marami pang iba.
“Usually, every year, mas dumaragdag ‘yung tumatakbo from Star Magic because we partnered with Star Magic already as well for the run and our beneficiaries are the scholars of the Star Magic as well,” sambit ng actor.
Anyway, sa nasabing presscon ay ini-launch din si Piolo bilang ambassadors ng health protection product, ang Go Well.
Boom!
TALBOG – Roldan Castro