Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahit sinong aktres, gustong maka-love scene si Derek — Lovi

HINDI big deal kay Lovi Poe kung ma-inlove siya sa halos  kasing-age ni Christopher De Leon na naka-love scene niya sa pelikulang The Escort. Actually, nagkaroon na rin siya ng karelasyon dati na mas matanda sa kanya sa katauhan ni Cong. Ronald Singson.

“Sa akin kasi, it’s not that age doesn’t matter, but love chooses any age,” deklara ni Lovi nang makatsikahan sa presscon ng The Escort ng Regal Entertainment Inc..

Kanino mas nag-enjoy si Lovi? Sa tikiman nila ni Derek sa pelikula o sa lampungan nila ni Boyet?

May love raw ang eksena nila ni Derek sa istorya ng pelikula. ‘Yung kay Boyet naman ay work na kailangang gawin dahil ‘bayaran’ siyang babae. Kinabahan din siya kay Christopher dahil kilalang magaling na actor at nagkaroon sila ng mainit na eksena.

Happy din si Lovi dahil kahit sinong aktres, gusto raw maka-love scene si Derek.

“I’m glad na I was given the opportunity to work with him,” sambit niya.

Masuwerte raw siya dahil parehong maalaga sina Boyet at Derek. Actually, inalalayan ni Derek si Lovi at hindi ipinagawa ang dog style scene. Tinanggihan daw niyang gawin ang very rough na position na parang doggie-style dahil hindi bagay kay Lovi. Hindi naman porno movie ang ginagawa nila. Si Derek na rin ang kumausap kay Direk Enzo Williams.

Inamin din ni Lovi na bago nila gawin ang love scenes ay uminom muna sila.

“Nag-shot muna kami bago mag-eksena tapos namili kami ng song na puwede naming sabayan para may rhythm ‘yung love scene namin,” pahayag pa niya.

Samantala, advantage rin na wala siyang boyfriend ngayon dahil nagagawa niya ang ganitong maseselang eksena. Okey na rin daw sila ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Showing na sa November 2 ang The Escort. Pagkatapos ng Pista ng Patay ay bubuhayin naman nina Lovi, Derek, at Christopher ang inyong mga dugo.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …