Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, pinuri ang post ni Grae

NABASA namin ang mga post ni Robin Padilla sa pagkahuli sa kanyang pamangking si Mark Anthony Fernandez ng umano’y isang kilong marijuana. Nagpasalamat pa rin siya na nahuling buhay si Mark dahil kalat naman ang balitang maraming namamatay ngayon na pinaghihinalaang tulak o user ng illegal drugs.

“Purihin ang Panginoong Maylikha, mahal kong pamangkin. Nakahinga ako ng maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay, Mark. Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo. Sir Bato at sa Angeles City PNP, tanggapin po ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal at makatao na paghuli kay Mark Anthony Fernandez… Alhamdulillah.”

“Óh, Brother!,” ang caption naman ni Rap Fernandez sa larawan nilang magkakapatid kasama ang yumao nilang ama na si Rudy Fernandez sa kanyang FB Account.

Reaksiyon naman ni Robin: “Yes nephew Rap Fernandez and It will be a long sacrifice for your brother but medical marijuana will be his contribution to the future… For now let us thank and praise God he is alive Alhamdulillah ”

Pinuri rin ni Binoe ang touching na post ni Grae Fernandez sa kanyang amang si Mark.

“The words of a son to his embattled Father. Isang malalim na pagpupugay sa Batang ito tunay ang lakas ng isang magulang ay nagmumula sa Anak Allah hu Akbar.”

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …