TINANONG namin ang actor ng My Rebound Girl na si Joseph Marco kung ano ang opinyon niya sa kampanya ng drugs laban sa mga taga-showbiz na user o tulak. At ngayon ay mayroon nang listahan.
“I feel bad for them and for sure I’m gonna… I mean, yeah, I feel bad for them and sana makaalis sila roon sa phase na ‘yun. Kasi lahat naman ng, I mean most of the people especially in the industry, dumadaan sila sa phase na ‘yun. So nagkataon lang siguro na natapat sila sa parang, ‘di ba, sa hard times ngayon na parang medyo strict when it comes to drugs. So, sana, sana maging lesson learning sa kanila ‘yung mga naririnig nila sa balita, ‘yung mga nakukulong, ‘di ba?
“Parang, c’mon, you know! Take care of yourselves, ‘di ba? Parang somehow, discipline yourselves. Alam mo naman ‘yung magiging negative feedback ng ginagawa mo, so ‘di ba? Ayusin mo na ‘yung sarili mo. Huwag ka ng maghintay na mahuli ka,” deklara niya.
Dumaan na rin daw sa drug test si Joseph. Voluntary daw niyang ginawa ‘yun.
“Noong nalaman ko na mayroon, yeah, let’s do it,” sambit pa niya.
Paano niya papayuhan ang isang kaibigan ‘pag nalaman niyang lulong na sa ipinagbabawal na gamot?
“Kakausapin ko talaga siya! Sasabihin ko sa kanya, kahit mga masasamang bagay na parang, ‘yung mangyari sa ‘yo, didiretsuhin kita kahit masaktan ka.
“’I’m you’re real friend and ‘di ba, parang sasabihin ko talaga sa ‘yo kung ano talaga ‘yung mangyayari sa ‘yo, ‘di ba? Harap-harapan, I’m not gonna filter anything, I’m not gonna sugar-coat anything. Sasabihin ko talaga sa ‘yo kung ano ‘yung kahihinatnan ng ginagawa mo,’” pakli pa niya.
Paano kung magalit o magtampo sa kanya?
“Kung ganoon ang reaksiyon niya that means, ‘di ba parang maybe he’s not a real friend or he’s immature. Kasi at the end of the day, ‘di ba ang totoong kaibigan sasabihin niya sa ‘yo kahit na ‘yung mga bagay na makasasakit sa ‘yo. As long as it’s totoo. So ayun sasabihin ko talaga sa kanya,” tugon pa ni Joseph.
TALBOG – Roldan Castro