Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, natakot sa sariling multo? (Paghingi ng paumanhin kay Albie)

ISANG desmayadong reporter ang nag-react sa biglang pag-alis ni Andi Eigenmann sa isang event. Bakit daw nito kinatakutan ang ginawang multo? Kung noon pa raw nito inamin ang katotohan na hindi si Albie Casino ang ama ng kanyang two-year old daughter na si Ellie ‘di sana ay masaya itong nagpapa-interview sa press.

May ilang reporters ang naloka nang puntahan nila ang aktres sa backstage pagkatapos ng isang event na ‘gone with the wind’ ang aktres.

Paano naman kasi, baka nakarating na rito ang balitang ibinulgar ni Max Eigenmann ang ukol nga sa tunay na ama ng kanyang anak.

Actually, nadulas lang daw si Max sa pag-interview sa kanya ni Mo Twister.

Paghingi ng paumanhin kay Albie

WELL, tulad ng kasabihan, walang lihim na ‘di naibubulgar. Vindicated si Albie Casino at tila nabunutan ng malaking sa nangyaring paglalahad ni Max Eigenmann ng katotohanan ukol sa tunay na ama ng anak ni Andi.

Kung ating matatandaan, umabot pa sa pagpapa-DNA test ang aktor para mapatunayang hindi siya ang ama ng bata.

Sa nangyari ngayon, maraming mga tagahanga ng aktor ang umaasang maibabalik ng aktor ang ningning ng kanyang career sa paglabas ng katotohanan. Umaasa sila na magiging daan ito para muling sumigla ang career ni Albie.

Sa panayam kay Albie, inamin nitong hindi naging sagabal ang pagkakaroon ng isyu at pagkawala niya ng proyekto dahil naipagpatuloy niya ang pag-aaral. Kaya naman marami pa rin ang nakisimpatya kay Albie.

Dapat din daw humingi ng kapatawaran si Andi at ina nitong si Jaclyn Jose sa aktor dahil nasira ang karir nito.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …