Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, inihalintulad si Joseph sa barakong kape

TUMODO nang husto sina sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa biggest acting break nila sa big screen, ang My Rebound Girl na mapapanood na sa Setyembre 28.

Walang alinlangan ang mga lambingang ipinakita nila sa pelikula. Wagas na wagas at totohanan na ang dating. Kaya naman, umaapaw talaga ang magic at chemistry nina Alex at Joseph na nagsimulang lumutang nang gawin nila ang TV series naPure Love. Kaya naman nang ilabas sa social media ang trailer ng MRG, mahigit isang milyong views agad ang hinamig nito!

Maging sa mga mall shows na pinuntahan nina Alex at Joseph, hindi scripted ang lambingan nila onstage. Kilig na kilig at kyut na kyut ang harutan nila kaya maugong ang tsismis na nagkakamabutihan na sila talaga.

Eh nag-swak din ang magkaiba nilang image. Kiti-kiti, kikay, at feeling maharot ang dating ni Alex. Si Joseph naman, tahimik at seryoso ang dating. Magkaibang mundo and yet, may dating na kilig na hindi pilit.

Bukod sa mall shows, nasaksihan din ng personal ng fans ang tamis ng tandem nina Alex at Joseph. Nang maging service crew sila sa KKK (Kanya-Kanyang Kape) coffee shop sa Maginhawa St., lutang na lutang ang maganda nilang samahan. Si Alex ang kumukuha ng order na kape habang si Joseph naman ang nagsisilbi ng order na coffee.

Komo nga coffee ang background ng kanilang love story sa MRG, para kay Alex, isang kapeng barako ang dating ng leading man. ”Matapang pero kapag nilagyan mo ng maraming brown sugar, lumalabas ang kaswitan!”

Para naman kay Joseph, capuchino ang dating ni Alex dahil matamis at maraming cream!

Naudlot man ang napipintong pagkakaroon ng relasyon nina Alex at Joseph noong magtambal sa telebisyon, sa MRG, walang dudang dumating na ang tamang panahon upang sila ay magkaroon na ng relasyon, huh!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …