NAKATSIKAHAN namin ang dating Presidente ng ABS-CBN 2 sa presscon ng Ang Babaeng Humayo na showing sa September 28.
Nagulat si Ma’am Charo nang sabihin sa kanya ni Direk Lav Diaz na mag-disguise siyang tomboy sa pelikula sa ikatlong meeting nila.
Tanong ni Ma’am Charo kung siya raw ba ang hinahanap para sa nasabing role? Kilala naman si Ma’am Charo na pang-beauty queen at modelong kumilos.
Sagot daw ni Direk Lav, magpapanggap lang naman daw ito at gayahin ‘yung porma niya ng pag-upo na may pakanto at walang pakialam.
Na-challenge si Ma’am Charo kaya nag-workshop siya sa nasabing eksena. Sinabihan din niya si Direk Lav na iedit na lang ‘pag napansin na pumipilantik na ang mga daliri niya.
Kabaligtaran naman ito sa role ni John Lloyd Cruz na nagsuot babae sa pellikula.
Ini-reveal din sa presscon ng Ang Babaeng Humayo na hindi nila sinabi sa cast kung sino ang bidang babae. Na-shocked na lang sila gaya ni Cacai Bautista. Hindi raw siya makapagsalita noong nag-aalmusal siya sa Mindoro shooting at biglang dumating si Ma’ am Charo at binati siya ng good morning. Feeling niya ay si Virgin Mary ang kaeksena niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro