Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cleverbox Events management ni Charice kinasuhan ng estafa

KINASUHAN na ngayon ang management ni Charice Pempengco, ang Cleverbox Events na pinamumunuan nina Mark Anthony Edano Tuico at Jedmark Velasco Fernandez. Sinampahan sila ng kasong estafa ng international promoter/producer na si Maria Rosario Risi Aureus with her legal council na si Atty. Ferdie Topacio.

Sey ni Ms. Aureus, kinuha nila umano si Charice para mag-concert sa Rome, Dubai, at Switzerland para sa September 10-18.

Nauna na itong nagbigay umano ng P400K downpayment kina Fernandez at Juico bilang kabayaran sa 25% asking DP (deposit) ni Charice sa talent fee nito na almost P1.6-M ang kabuuan.

Agad daw nagbigay si Ms. Aureus para na rin mai-promote ng magaling na singer ang shows nito sa tatlong bansa.

Kaso mo, isang linggo na ang lumipas, pina-follow-up nito ang hinihinging video na nagpo-promote si Charice pero wala silang maibigay. At nang kontakin nito si Charice, paano raw ito magpo-promote eh wala pa siyang natatanggap ni singko sa sinasabing P400K DP.

Doon na umano nagduda si Ms. Aureus at nabuking nga nito na may gusot na pala sina Charice at ang management nito at gusto na ng magaling na singer na umalis sa kanilang kwadra kaya ginipit din ito.

Bukas ang pitak na ito para sa panig ng Cleverbox Events.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …