Sunday , May 11 2025

Just like in the movie

ANG public declaration ni Pangulong Rodrido “Digong” Duterte, kailangan niyang i-extend ng anim na buwan ang pakikipaglaban niya sa ilegal na droga sa buong bansa.

Asahan na raw na mas marami pang drug users, pushers ang mamamatay.

Inatasan din ng pangulo ang Armed Forces of the Philippines na tulungan ang Philippine National Police sa mga gagawing drug operations.

Simula nang umpisahan ng PNP sa pangunguna ni chief PNP director general Ronald “Bato” dela Rosa ang all out-drug war sa Metro Manila at sa mga probinsiya, araw-araw ay nagkalat ang mga napapatay na suspected users-pushers. Sila raw ‘yung sumuko-pumirma ng affidavit sa OPLAN TOKHANG pero muling nagbalik sa dating bisyo kaya sila ay naging casualty ng OPLAN DOUBLE BARREL o naging subject-target ng follow up operations ng mga taga-anti-drug operatives.

Sa Metro Manila, ang Maynila na nasa ilalim ng command ng Manila Police District (MPD) ni DD Senior Superintendent Joel Coronel ang masasabing may pinakamataas na drug casualty kompara sa ibang district o command ng PNP sa kamaynilaan. Kaya laging busy ang PNP-SOCO at mga funeral parlor sa lugar ni Mayor Erap.

Teka, nai-award na ba kay Coronel ang one-star-PNP general?

Anyway, hindi lamang mga pasaway na pusher-users ang namamamatay sa mga tama ng bala ng baril na nagmula sa mga lespu. Ilang pulis na rin ang napaslang, naiwang lumuluha ang kanilang pamilya nang dahil sa pagtupad nila sa kanilang sinumpaang tungkulin.

FOR FIGHTING ILLEGAL DRUGS

KABILANG sa nasawing pulis si Chief Inspector Mark Garcia, hepe ng ISOU ng Rizal-PNP provincial command. Nasawi si Garcia sa isinagawa niyang drug operations sa isang lugar sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal kamakailan.

Just like in the movie.

A DEFIANCE OF LAW

ANG isa sa dapat habulin, imbestigahan ng Bureau of Internal Revenue ay gambling capitalista sa Quezon City na si Lito, alias “Motor.”

Ang mama ang nasa likod ng isang malawakang operasyon ng illegal numbers game sa area ni Mayor Bistek Bautista. Ito ang pasugal na lotteng bookies, EZ-2, 12 number games at ang 1-3-7 na jueteng.

Ang mga pasugal de bookies ni Lito, alias “Motor” sa area ng Quezon City Police District (QCPD) ay hindi isang lehitimong negosyo. Ito ay isang ilegal na 1602. Kahit isang sentimo ay wala  siyang binabayarang tax sa city government ng Quezon City at sa BIR.

PAHAGING LANG!!! SINO SILA?

MAY nagtatanong? Sino raw si Adrian Rayos, Arnel and a certain Mike Flores???

Sa susunod na ang ibang detalye.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *